• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada: ‘It’s hard to be a mother and a father at the same time’

Karla Estrada: ‘It’s hard to be a mother and a father at the same time’

Naging bukas si Karla Estrada sa mga hirap na pinagdaanan noon bilang single mom sa apat na anak.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/11/2019 11:30 AM
Karla Estrada: ‘It’s hard to be a mother and a father at the same time’


Photo credit: @karlaestrada1121 on Instagram

Habang isa sa mga guest ang anak na si Daniel Padilla sa kaniyang morning talk show na Magandang Buhay, naging bukas si Karla Estrada sa pagkuwento ng mga pinagdaanang hirap noon bilang isang single mom. Sa episode ng kaniyang show noong July 9, aminado ang momshie host na may mga pagkakamali siya at natutunan sa nakaraan. 

"It's hard to be a mother and a father at the same time, siyempre, gusto mong maayos lahat. So nagiging paranoid ka. Maraming mistakes habang nagiging magulang, because as I've said, sinabi ko naman kay DJ, sa mga anak ko, yung time na nagkaroon ako ng mga anak, I was very young also. So I was a struggling mother. So hindi ko alam kung paano talaga maging ina," pahayag ni Karla. 

Pagpapatuloy ni Karla, "Ang alam ko lang nun ay hinding hindi ko ipamimigay ang mga anak ko. So it was really hard - I was very strict. But eventually you will learn exactly from your children also."

Pag-amin ni Daniel, hindi ito ang unang beses na marinig ang pahayag na ito ng ina, dahil bilang panganay saksi siya mga pinagdaanan nila bilang pamilya. 

"Very generous naman ako sa mga anak ko. It's just that, mas generous ako sa tirahan namin, may pagkain kami [kinabukasan], kaysa sa mga luho na gusto nila before na hindi talaga. Siya (Daniel Padilla) kasi ang nakakita nang lahat ng iyon," dagdag ni Karla. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

And we rise up! My angels 👼 @magsford @lella.ford #gratefuheart❤️❤️❤️

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

 

THROWBACK: Baby Daniel Padilla sa kanyang unang TV guesting kasama ang inang si Karla Estrada 

READ: Karla Estrada, inaming nasa isang long distance relationship siya ngayon

Sa edad na 20, ipinanganak ni Karla si Daniel noong 1995. Si Rommel Padilla ang ama ni Daniel. Sina JC, Margaret, at Carmella naman ang mga tatlo pang anak ni Karla sa iba’t-ibang ama.