• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, ibinunyag na noong Father’s Day pa nangyari ang proposal ni Neil Arce kay Angel Locsin

Dimples Romana, ibinunyag na noong Father’s Day pa nangyari ang proposal ni Neil Arce kay Angel Locsin

Aminado na kinilig at naiyak si Dimples Romana nung nalaman niya ang planong proposal ni Neil Arce sa kaibigan niyang si Angel Locsin.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/11/2019 2:45 PM
Dimples Romana, ibinunyag na noong Father’s Day pa nangyari ang proposal ni Neil Arce kay Angel Locsin


Photo credit: @therealangellocsin/ @dimplesromana on Instagram

Bilang naging 'kasabwat' ni Neil Arce sa sorpresang proposal sa kaniyang nobyang si Angel Locsin, masayang ikinuwento ni Dimples Romana sa Magandang Buhay kahapon, July 10 kung paano niya nakuha ang ring-size ni Angel at ibinigay kay Neil. 

"Neil called me a few weeks before the proposal. Sabi niya, 'Dimps, busy ka? May sasabihin ako sa 'yo.' Iniisip ko, ano kaya 'to kasi nagulat ako. And remember ha, sa tagal na naming magkaibigan ni Angel, marami din akong inabutan [na past relationships], may dalawa akong inabutan. 

"So sabi ko, 'Neil ano ba 'yon, titigil ba akong maglakad o uupo ba ako? Ano bang kailangan kong gawin?' Sabi niya, 'Hindi, magpo-propose na ako kay Angel.' Diyos ko, alam mo ate yung iyak ko, pumalahaw ako. Akala mo ako yung nasa proposal," maluha-luhang pagkukwento ni Dimples sa mga mga hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros. 

Ayon sa aktres maingat niyang inalam ang eksaktong size ng singsing ni Angel mula sa mga assistants nito. "Friends kami ng mga assistant ni Gel so tinawagan ko. Sabi ko, 'Hello ate punta ka nga dito, dalhan mo nga ako ng singsing ni Gel kasi gagawan ko siya ng terno ring namin.' Sabi ko 'yung sa akin 'yung may 'best friends' sa kanya yung may 'forever', 'best friends forever,'" pagpapatuloy niya. 

Nang ma-idrowing sa papel ang sukat ng mga singsing ni Angel, patagong isinend ni Dimples nito kay Neil at saka ito bumili ng engagement ring. "That ring fits her finger perfectly. Sobrang ganda ng singsing na 'yon. Simple, classic, at malaki," sabi ni Dimples.

Hindi napigilan ni Dimples na ang natural niyang saya habang inaalala ang pagiging parte ng naturang proposal, sa morning talk show. 

"Angel is such a good person. She deserves somebody who's going to take care of her. I want her to have the best time of her life and now is the best time. Parang ramdam na ramdam ko. Sobrang alaga kasi ni Neil kay Gel. Nakakatuwa lang na naging parte ako noon," sabi ng aktres. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Dani's day off 💋💕😘

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

 

WATCH: Angel Locsin, Neil Arce’s sweet engagement video

Maaalalang nitong June 29 nang inanunsyo nina Neil at Angel ang engagement nila sa social media. Pero sa interview din kay Dimples ng mga momshie hosts, sinabi ng aktres na nangyari ang proposal noong Father's Day o June 16, halos dalawang linggo bago ang announcement ng magkasintahan. 

"He (Neil) decided to talk to Angel's daddy and I think that was the sweetest gesture because si daddy ni Angel spoke to Neil and the rest is history. The proposal happened on Father's Day," kuwento ni Dimples. 

"Parang inishpluk ko na, lagot talaga ako mamaya. Hanggang dun lang naman," biro pa ni Dimples.