• Home
  • Fresh Scoops
  • Cathy Garcia-Molina, nagbigay ng detalye tungkol sa comeback film ni Piolo, Claudine

Cathy Garcia-Molina, nagbigay ng detalye tungkol sa comeback film ni Piolo, Claudine

Bagamat busy pa siya ngayon sa promotion ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye”, hindi maitago ni Cathy Garcia-Molina ang kanyang excitement nang intrigahin siya sa comeback ng nasabing tambalan sa big screen.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/11/2019 2:55 PM
Cathy Garcia-Molina, nagbigay ng detalye tungkol sa comeback film ni Piolo, Claudine


Photo credit: @claubarretto on Instagram (R)

Masayang nag-bigay ng detalye si Direk Cathy Garcia-Molina tungkol sa pinaka-inaabangang reunion film ng dating love team na sina Piolo Pascual at Claudine Barretto.

Bagamat busy pa siya ngayon sa promotion ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye”, hindi maitago ng direktor ang kanyang excitement nang intrigahin siya sa comeback ng nasabing tambalan sa big screen sa isang interbyu kasama ang press nitong Miyerkules.

“Kuwento ni direk Olive Lamasan 'yun matagal na matagal na. Ako ay very thankful na ibibigay niya sa akin 'yung kuwento. Gustong gusto ko 'yung kuwento nito. This is very different, something new for both me and Piolo,” aniya.

Matatandaang si Lamasan ang nag-direk ng pelikulang “Milan”, ang huling proyektong pinagsamahan ni Piolo at Claudine labinglimang taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Cathy, na ibinahaging balak nilang mag-shoot sa ibang bansa para sa proyekto, hindi ito magsisilbi bilang sequel sa “Milan”, katulad nang sinabi ni Piolo sa hiwalay na interbyu.

“Actually dapat last project ko si Piolo [bago ako mag-retire]. Piolo-Claudine dapat 'yung last project ko. Pangako ko 'yun kay Piolo. Pero mukhang gagawa pa ako ng isa kasi may isa pang taong malapit sa puso ko ang hindi ko kayang hindian,” Molina aniya.

Bagamit itinanggi ng filmmaker na si John Lloyd Cruz, na dati na niyang nakatrabaho sa box-office hits na “One More Chance” at “You Changed My Life” series”, ang kanyang tinutukoy, sinabi nito na balak din nilang magsama muli para sa panibagong proyekto.  

“Kasi tumawag si Lloydie sa akin bago ko simulan itong pelikulang ito. Nagulat nga ako eh. ‘Ano 'tong nababalitaan kong magre-retire ka na,’ sabi niya sa akin. So natuwa naman ako. Ang usapan namin, pagbalik ko, [siya ang first film ko],” aniya.

Magsisimulang  ang taping para sa reunion film ni Piolo at Claudine sa Septyembre, pagkatapos i-shoot ng direktor ang pilot episode ng comeback TV series ng tambalang Liza Soberano at Enrique Gil.