• Home
  • Fresh Scoops
  • Alden Richards at Maine Mendoza, suportado ang sa isa’t-isa

Alden Richards at Maine Mendoza, suportado ang sa isa’t-isa

Isang pelikula sa Black Sheep Entertainment ang nakatakdang gawin ni Maine Mendoza kasama si Carlo Aquino.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/11/2019 12:09 PM
Alden Richards at Maine Mendoza, suportado ang sa isa’t-isa


Photo credit: @mainedcm IG (R)

All out support pa din ang Kapuso actor na si Alden Richards para sa kanyang dating on-screen partner na si Maine Mendoza na nakatakda gumawa ng pelikula kasama ang aktor na si Carlo Aquino.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Breaking News: Carlo Aquino teams up with Maine Mendoza for new @black_sheepph movie "Isa Pa With Feelings."

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Kuwento ni Alden sa naging panayam ng entertainment press sa Hello, Love, Goodbye media conference, naikuwento niya na nanatili ang suportahan nila ni Maine na nakilala bilang AlDub.

“I’m really happy that Maine is exploring acting with a different partner now and doing movie projects alone. Kasi when we were working together, nakukuwento niya sa akin na she’s really having a hard time when it comes to acting,” kuwento pa ni Alden.

Masaya din siya para sa dating kapareha na unti-unti na din nag e-explore ang pagiging isang aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

If it's meant to be...it will find its way.

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

 

Full support naman kami, sinusuportahan namin ang isa’t isa kapag gumagawa kami ng projects together. Pero now, ito ‘yung time ni Maine to break out of that fear and conquer kung ano man ang mga nagho-hold back sa kanya,” sabi ni Alden sa press.

Sa darating na July 31, mapapanood ang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo at Alden. Samantala, target din ipalabas bago magtapos ang taon ang Isa Pa With Feelings nina Carlo at Maine.