Wagi sa katatapos lang na Miss Philippines Earth pageant ang TV host model na si Janelle Lazo ng Pasig City.
Stand out si Janelle sa 40 kandidata na naglaban laban sa The Cove ng Okada Manila para sa korona ng isa sa prestihiyosong beauty pageants sa Pilipinas.
Kasabay ng paglubog ng araw, itinanghal ang iba pang mga nagwagi sa Miss Philippines Earth 2019.
Miss Ecotourism Philippines 2019: Karen Nicole Piccio of Maasin, Iloilo.
Miss Fire Philippines 2019: Alex Dayrit of Marikina City.
Miss Water Philippines 2019: Chelsea Fernandez of Tacloban City.
Miss Air Philippines 2019: Ana Monica Tan of Tagoloan, Misamis Oriental.
Samantala, isang espesyal na pagkilala din ang ibinigay para kay dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary na si Gina Lopez sa mga naging kongtribusyon niya sa pagsagip ng kalisakasan.
Mapapanood ang late telecast ng Miss Philippines Earth 2019 sa Sunday's Best ng ABS-CBN.