• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Otso housemate Sky Quizon, sinagot ang tanong kung siya ay ‘sexually fluid’

PBB Otso housemate Sky Quizon, sinagot ang tanong kung siya ay ‘sexually fluid’

PBB Otso housemate Sky Quizon, binigyang linaw kung siya ay sexually fluid

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/10/2019 11:29 AM
PBB Otso housemate Sky Quizon, sinagot ang tanong kung siya ay ‘sexually fluid’


Photo credit: @skyquizon_ on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, binigyang linaw ni  ex-Pinoy Big Brother Otso housemate Sky Quizon ang controversial statement niya sa loob ng bahay ni Kuya na “I am a heterosexual man but I’m open to having relationships with anybody… with women, with men.” 

Ang ibig ba sabihin nito ay sexually fluid si Sky? Ayun sa Summa cum laude graduate, hindi siya naniniwala sa labels. “I don’t believe in labels- male, female, ang dami,” anya. Ayon pa kay Sky ang importante lang sa kanya ay “pag-ibig.” “Kung paano ko tingnan yung tao, kung paano siya maging tao. Kung paano siya sa ibang mga tao,” paliwanag ni Sky. 

“Pag-ibig yun lang… Ang pag-ibig mas makapangyarihan yan sa gender,” dagdag ng binata. Hindi pa rin daw nagkakaroon ng karelasyon na lalaki si Sky at ang huling babaeng nagpakilig sa kanya ay si “Diana.”