• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Otso ex-housemate Gino Roque, itutuloy ang panliligaw kay Kiara Takahashi

PBB Otso ex-housemate Gino Roque, itutuloy ang panliligaw kay Kiara Takahashi

PBB Otso ex-housemate Gino Roque, binigyang linaw ang nararamdaman para kay Kiara Takahashi.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/10/2019 11:25 AM
PBB Otso ex-housemate Gino Roque, itutuloy ang panliligaw kay Kiara Takahashi


Photo credit: @ ginoroqueiv on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, pinagmalaki ni ex Pinoy Big Brother housemate Sky Quizon na mentee at student siya sa hosting ni King of Talk Boy Abunda. Kaya naman binigyan siya ng pagkakataon ni Boy na tanungin si PBB Otso ex-housemate Gino Roque na guest din sa palabas.

Tanong ni Sky kay Gino kung paano nito ire-rate ang nararamdaman niya para kay Kiara Takahashi. Ayon kay Gino hindi pa niya mare-rate ng ten kasi para maging ten kailangan may nararamdaman din sa kanya si Kiara. “Hindi pa niya ako sinasagot… I feel like it’s still a one-way street. A little bit of reciprocation…” pag-aalinlangan ni Gino.

Matatandaan na nagtapat ng feelings si Gino para sa dalaga sa loob ng bahay ni Kuya.

WATCH:#PushTV: Netizens, kinilig sa dinner date nina Gino at Kiara

May malaking kinalaman din daw ang guy na naghihintay kay Kiara sa labas ng bahay ni Kuya kung bakit hindi malinaw ang naging sagot ng dalaga kay Gino. “I feel like maybe that’s one of the reasons why she hasn’t answered me yet,” sabi ni Gino.

Noong nagtapat din daw siya ng feelings kay Kiara ay hindi niya alam na may naghihintay kay Kiara kung kaya hindi ito naging hadlang sa pagtatapat niya. “At that point I didn’t really know…. She kind of told me but then if she still had major feelings or something she would have said no to me,” paliwanag ni Gino.  

Itutuloy naman kaya ni Gino ang panliligaw kay Kiara kapag nasa labas na ito ng bahay ni Kuya? “Sana, if she would let me…” ani Gino. 

Sa tanong naman ni Boy kung handang masaktan si Gino ang sagot ni Gino ay “yes.”