• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Pagpapaseksi ni Sunshine Cruz sa Cinemalaya film na ‘Malamaya’ aprubado ba sa 3 anak na babae?

EXCLUSIVE: Pagpapaseksi ni Sunshine Cruz sa Cinemalaya film na ‘Malamaya’ aprubado ba sa 3 anak na babae?

Sunshine Cruz, matagal nang gusto gumawa ng pelikula para sa Cinemalaya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/10/2019 10:04 AM
EXCLUSIVE: Pagpapaseksi ni Sunshine Cruz sa Cinemalaya film na ‘Malamaya’ aprubado ba sa 3 anak na babae?


Photo credit: @sunshinecruz718 on Instagram

Balik sa paggawa ng mga sexy scenes sa pelikula si Sunshine Cruz. Muling masisilip ang magandang hubog ng kanyang katawan sa pelikulang Malamaya ng Cinemalaya kapartner si Enzo Pineda.

My God I’m doing sexy scenes na naman, parang bumalik sa dati. But when we had our storycon, sabi ko nga I have two directors na puro babae rin, so sabi ko, hindi naman ako mag-iinarte pa because I know I will be taken care of kasi puro din sila babae.

“So whatever they ask me to do, may tiwala ako sa kanila. And of course, this is for Cinemalaya, di ba? And it’s my first time na mag-Cinemalaya kaya sobrang excited ako, sobrang nakakatuwa lang na dumating sa akin ito,” simulang pahayag ni Sunshine sa exclusive interview ng PUSH.

“Matagal ko nang gustong gumawa sa Cinemalaya pero wala namang offer, so nung binigay sa akin sabi ko, ‘go, game!’” dagdag pa ng aktres.

Aware si Sunshine na may mga kailangan siyang ipakita sa Malamaya.

Pahayag ni Sunshine, “Kailangan kasi yung ganito mo nakikita. Kailangan naka-panty ka lang. Sabi ko, siyempre tatlo na ang anak ko, mga dalaga na, mag-e-eighteen na, pero artista kasi ako, eh.

“Kung dati nga hindi ako nag-iinarte, ngayon pa ba na Cinemalaya naman yung pelikula. Oo, gumagawa ako ng sexy scenes pero the mere fact na puro mga babae ang director ko, yon pa lang solve na ako, masaya na ako.”

Aprubado ba ang kanyang tatlong anak na babae sa pagsabak niya sa sexy scenes sa movie?

I told them about this movie and sinabi ko sa kanila kung ano yung gagawin ko. Kasi naman yung mga anak ko very supportive sila, eh,” reaksyon ng aktres.

Dagdag pa niya, “Siyempre, ngayon naman bago tayo gumawa ng isang bagay iisipin mo na rin siyempre yung mga anak ko and I know that they trust me.

“Nung pinost ko nga sa Instagram yung poster namin ng Malamaya, yung mga anak ko, ‘wow, can we watch mom?’ Ganyan na sila. ‘We want to watch, we want to see the movie.’ Very excited sila.

Even when they saw the teaser, ‘it’s reall cool mom, I like it, it’s so Indie,’ gumaganyan sila. So ang sarap sa feeling na alam mong yung support ng mga anak mo 100 percent na binibigay sa ‘yo. At saka alam naman nila na trabaho lang talaga yung mga ginagawa ko,” huling sabi niya sa PUSH interview.