Daniel Padilla, aminadong ‘seloso’

‘Napaka-suwerte ng magiging future family niya,’ sabi ni Ian Veneracion tungkol sa kaniyang kaibigang si Daniel Padilla.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/10/2019 9:55 AM
Daniel Padilla, aminadong ‘seloso’


Photo credit: @supremo_dp on Instagram

Aminado ang Kapamilya heartthrob na si Daniel Padilla na "seloso" siya pagdating sa relasyon. Sinabi niya ito sa ikalawang episode ng kanilang Magandang Buhay guesting, kasama ang kaibigang si Ian Veneracion, ngayon July 9.

"Oo naman, [seloso ako]. Ang weird naman kasi kung hindi ka seloso. Parang normal naman na seloso ka dapat. Parang kung hindi ka nagseselos there's something wrong," pahayag ni Daniel.

Nang tinanong naman kung kinikilig siya sa tuwing nagseselos naman ang kaniyang real-life girlfriend na si Kathryn Bernardo, sagot niya, "Minsan. Pero minsan natatakot na ako. Iba 'yung cute na selos lang. Pero I'd rather choose na mag-selos na lang siya sa akin. Mas masarap sa feeling, kasi feeling mo naman ang guwapo-guwapo mo rin kapag ganun."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Saan na tayo?

A post shared by Daniel (@supremo_dp) on

 

READ:Kathryn Bernardo, Daniel Padilla donate animal cages to Manila City Pound

READ:THROWBACK: Baby Daniel Padilla sa kanyang unang TV guesting kasama ang inang si Karla Estrada

 

Sa parehong episode ng morning talk show ay sinabi ni Ian kung gaano siya kabilib sa kaniyang kaibigang si Daniel.

"Nakikita ko kung gaano siya ka-responsible as a kuya and as a son, yung concern niya sa mommy niya sa mga kapatid niya. Siya yung tipo ng taong maraming isasakripisyo para sa kanila. Ganun siya magmahal. Napaka suwerte naman ng magiging future family niya," ani Ian.

Taong 2013 magsimula ang pagkakaibigan nila Ian at Daniel nang magkasama sa seryeng Got To Believe, na nasundan pa ng isa pang serye, Pangako Sa 'Yo noong 2015.

"Nagkasama kami sa Got To Believe. Mag-ama kami roon. Na-realize namin na pare-pareho ang kalokohan namin at kapilyuhan namin," sabi ni Ian nang tinanong kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

‪Breakfast? Sagot na namin 'yan! Ilang minuto na lang mga momshie! #MBDanielAndIan‬

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

READ: Ian Veneracion, inalala ang panahong muntikan na siyang tamaan ng kidlat sa sky diving

Pagpapatuloy naman ni Daniel, "Marami tayo sa showbiz na tinatawag na showbiz friends o taping friends. Kami, natapos na ang taping, hindi natapos ang pagkakaibigan namin ni Tito Ian. Pinupuntahan ko siya sa bahay niya lagi. Sarap din kasi ang dami kong nakukuhang advice from Tito Ian na talagang nakakatulong sa akin ...very productive ang samahan namin hindi lang puro laro."