• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez, sinabi kung sino ang kamukha ni baby Elias Modesto Cruz

Beauty Gonzalez, sinabi kung sino ang kamukha ni baby Elias Modesto Cruz

Sino kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang kamukha ni baby Elias Modesto Cruz?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/10/2019 10:45 AM
Beauty Gonzalez, sinabi kung sino ang kamukha ni baby Elias Modesto Cruz


Photo credit: @johnlloydcruztm on Instagram (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si Kadenang Ginto star Beauty Gonzalez tungkol sa kanyang “naughty” email na [email protected] Married ang aktres sa businessman na si Norman Crisologo. 

Naging source of embarrassment diumano ni Beauty ang email add nang pumunta siya sa school para i-enrol ang anak niyang si Olivia. Ayon kay Beauty tinanong ng teacher kung ano ang email address niya at dahil nahihiya siya binilisan niya ang pagsambit nito. “Sabi ko, paano ko ba sasabihin to, binilisan ko,” kuwento ni Beauty.

Pero hindi daw nakalusot si Beauty at nagtanong pa uli ang teacher kung ano ang sinabi niya. “Sabi ko, ‘Spank. me. Norman at gmail dot com,’” nakakatawang kuwento ng aktres. Matapos daw nito ay nagtanong pa muli ang teacher ng, “Are you sure this is your email?” 

Yes. Do you have a problem about it?” ang sagot naman daw ni Beauty sa teacher.

Ngayon daw tuwing may nagtatanong ay pinagpapawisan na si Beauty. “Nakakahiya Tito Boy. Every time someone asks, ngayon pinapawisan na ako di ba… parang do I really want to be spanked by him or what?” ani Beauty.

Tanong naman ni King of Talk Boy Abunda kay Beauty, “Do you want to be spanked by him?” “I’ll spank him na lang,” sagot naman ni Beauty. 

Nang tanungin naman kung kumusta ang sex life ni Beauty at Norman, sagot ni Beauty ay, “Oh fantastic, golden!”

Natanong din si Beauty tungkol sa anak ng kanyang longtime friend Ellen Adarna at ni Kapamilya star John Lloyd Cruz na si baby Elias Modesto. “Sino sa kanila ang mas kamukha ng baby?” tanong ni Tito Boy. “Si Ellen,” sagot ni Beauty.

READ:LOOK: John Lloyd Cruz, Ellen Adarna in Tokyo Disneyland with their baby