Beauty Gonzalez, iniidolo si Dimples Romana

Beauty Gonzalez, gustong maging pambansang best friend katulad ni Dimples Romana.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/10/2019 10:53 AM
Beauty Gonzalez, iniidolo si Dimples Romana


Photo credit: @beauty_gonzalez L and @dimplesromana R on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni Beauty Gonzalez kung nagiging totohanan na nga ba ang away nila ni Dimples Romana sa set ng hit seryeng Kadenang Ginto, kung saan mas kilala sila bilang Romina at Daniela Mondragon at kailan lang ay naging laman ng viral memes. 

LOOK: SEE: ‘Kadenang Ginto’ scene spawns hilarious Daniela Mondragon memes

Ayon kay Beauty, hindi sila nag-aaway ni Dimples at in fact, idol nga daw niya si Dimples. “Actually no, I’m very thankful for Dimples. I keep telling her this na she’s my idol, kasi di ba lahat ng movies siya yung parating support, best friend,” sabi ni Beauty.

“Sabi ko dapat maging kagaya ako niya para lahat ng pelikula nandun din ako,” dagdag pa ng aktres. 

Nang makatrabaho din daw niya ang idolo niyang si Dimples ay may natuklasan si Beauty tungkol sa co-actress. “She’s very professional,” aniya. Sila na rin daw minsan ni Dimples ang gumagawa ng “stunts” nila sa mga eksena. 

Naging magkaibigan naman kaya sila ni Dimples na fierce nemesis niya sa Kadenang Ginto? “Yes, we’ve become friends,” ayon kay Beauty.

Dimples is full of wisdom, ako naman full of naughtinesslike the kids will ask her for wisdom, payo. Sa akin, puro kalokohan,” kuwento pa ni Beauty.