• Home
  • Fresh Scoops
  • Arron Villaflor at Coco Martin, nag-reunion sa FPJ’s Ang Probinsyano

Arron Villaflor at Coco Martin, nag-reunion sa FPJ’s Ang Probinsyano

2013 nang huling nagkasama sa proyekto si Arron Villaflor at Coco Martin sa Juan Dela Cruz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/10/2019 10:19 AM
Arron Villaflor at Coco Martin, nag-reunion sa FPJ’s Ang Probinsyano


Photo credit: @ arronvillaflor05 on Instagram

Isa ang Kapamilya star na si Arron Villaflor sa mga bagong karakter na napapanood sa numero unong prime time series na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Amir Marquez

 

 

Kuwento ni Arron sa naging panayam ng PUSH, dapat abangan kung ano ang kanyang magiging papel sa buhay ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

“Ang mangyayari sa amin ni Cardo Dalisay [Coco Martin] ay conflict. Dahil ako ‘yung mayabang na CIDG dito, so somehow magkakaroon kami ng alitan sa opisina at sa mga misyon na gagawin niya,” tugon ni Arron.

Patikim ng aktor, dapat din abangan kung isa ba siya sa magiging hadlang sa mga plano ni Cardo sa patugis sa mga krimen.

“Sa pagpapa-kilala, arrogant member ng CIDG, pero hindi natin alam (laughs). Maraming pwede mangyari,” aniya.

At dahil bagong karakter, excited din si Arron sa pakikipag trabaho sa kanyang itinuturing na kuya sa showbiz na si Coco Martin.

 

 

“Masaya ako dahil naka-trabaho ko ulit si Kuya, ang last na naka-trabaho ko siya is Juan Dela Cruz pa mga 2013 yata. Pulis na naman tayo, so panibagong family ako sa Ang Probinsyano, at sana maging maayos ang mga character,” sabi pa ni Arron.

Dahil maituturing na reunion project ni Arron at Coco ngayon ang pagsasama muli sa Probinsyano, ayon sa aktor malaki ang pinagbago ni Coco pagdating sa trabaho.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maligayang kaarawan Amir Marquez 😎maraming salamat #fpjsangprobinsyano

A post shared by ᗩᖇᖇOᑎ ᐯIᒪᒪᗩᖴᒪOᖇ (@arronvillaflor05) on

 

“Oo, masasabi ko in a good way kasi dati ka-trabaho ko siya bilang aktor, ngayon ka-trabaho ko na siya bilang aktor at bilang direktor na din so natutuwa ako sa kanya dahil isa itong achievement para sa kanya,” pahayag pa ni Arron.

Sa ngayon, unti-unti nang lumalabas ang tunay na pagkatao ng papel ni Arron bilang si Amir Marquez.