• Home
  • Fresh Scoops
  • Alden Richards, emosyonal sa naging papuri ni Cathy Garcia-Molina

Alden Richards, emosyonal sa naging papuri ni Cathy Garcia-Molina

Ito ang unang beses na naka-trabaho ni Alden Richards ang veteran director na si Cathy Garcia-Molina.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/10/2019 2:04 PM
Alden Richards, emosyonal sa naging papuri ni Cathy Garcia-Molina


Dream come true para sa GMA Artist na si Alden Richards ang maka-trabaho sa isang proyekto ang direktor na si Cathy Garcia-Molina sa isang pelikula.

 

 

Kuwento ni Alden sa naganap na Hello, Love, Goodbye media conference sa ABS-CBN Dolphy Theatre nitong Martes (July 9), tila sagot sa kanyang pangarap ang maka-arte sa harapan ng kanyang idolong direktor.

“Kasi even before pa lang po ako mag-artista, fan na po ako ng Cathy Garcia-Molina films, especially One More Chance and hindi lang ‘yun ang napanood kong pelikula ni Direk, madami pa,” kuwento ni Alden.

“So parang dream come true for me, pinangarap ko talaga na maka-arte sa harap ng camera ni Direk Cathy kasi fan po ako ng mga pelikula niya,” sabi pa ng aktor.

Napa- throwback din ang aktor sa kanyang minsang pagsali sa mga reality programs ng Kapamilya network.

“Actually, hindi po ito ang unang beses na pagtapak ko sa ABS-CBN, I was 14 when I first came here and nag-audition po ako sa mga reality shows ng ABS-CBN, pero ngayon doing a project with ABS and Star Cinema, medyo overwhelmed, nanibago, kasi siyempre hindi ko din in-expect na pwedeng posible na ang isang GMA actor ay makakatapak sa ABS-CBN, and I’m really thankful for the opportunity given to me by GMA for letting me do this film. Masaya po ako,” sabi ni Alden.

Hindi maman nabigo ang Kapuso actor sa pagbibigay ng magandang impression sa kanyang unang sabak kay Direk Cathy na tanging papuri ang iniwan para kay Alden.

 

 

“Sabi ko mukhang marunong umarte ‘tong batang ‘to. Nagkamali ako, hindi siya marunong, magaling siya, Thank you Alden,” papuri ni Direk Cathy para kay Alden.

Sa ngayon, kasama ni Alden si Kathryn sa series ng promotions ng “Hello, Love, Goodbye” na mapapanood na sa mga sinehan ngayong July 31.