• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach, Vice Ganda, Kris Aquino at Vic Sotto magbabanggaan sa MMFF

Aga Muhlach, Vice Ganda, Kris Aquino at Vic Sotto magbabanggaan sa MMFF

Inihayag na ang unang apat na opisyal na pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/10/2019 6:59 PM
Aga Muhlach, Vice Ganda, Kris Aquino at Vic Sotto magbabanggaan sa MMFF


Photo Credit: @praybeytbenjamin @annecurtissmith @agamuhlach317 @nadine on IG

Inihayag na ang unang apat na opisyal na pelikulang kalahok sa pagbubukas ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong darating na kapaskuhan.

Fresh at bagong tambalan ngayon ang aabangan ng mga manonood sa pagsasama-sama ng mga artista sa taunang film fest.

Sa official Facebook page ng MMFF, pormal nang ipinakilala ang una sa apat na kalahok dito.

Una na dito ang pelikula ng ABS-CBN Films at Viva Films na Momaland ni Vice Ganda ay Anne Curtis sa direksyon ni Barry Gonzales

Pasok din sa unang apat ang pelikula ng APT Entertainment at M-Zet Productions Mission Unstapabol: The Don Identity ni Vic Sotto at Maine Menoza sa direksyon ni Linnet Zurbanno.

Bahagi din ang Miracle In Cell #7 ng VIVA Films na pagsasamahan nina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa direksyon ni Nuel Naval.

At ang muling pag babalik ng binansagang horror queen na si Kris Aquino sa pelikula ng Quantum Films na K-Ampon kasama si Derek Ramsay sa direksyon ni King Palisoc.

Inaasahan na sa darating mga lingo, ihahayag na ang huling apat na pelikulang kukumpleto sa mga pelikula ng 2019 MMFF.