• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal, nakatanggap ng Silver Play Button mula sa YouTube

Jolina Magdangal, nakatanggap ng Silver Play Button mula sa YouTube

Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, special mention ng “Magandang Buhay” host na si Jolina Magdangal ang kanyang supportive na asawang si Mark Escueta.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/1/2019 3:34 PM
Jolina Magdangal, nakatanggap ng Silver Play Button mula sa YouTube


Photo credit: @mariajolina_ig on Instagram

Masayang ibinahagi ni Jolina Magdangal na nakatanggap siya ng Silver Play Button Award mula sa YouTube.

Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, special mention ng “Magandang Buhay” host ang kanyang supportive na asawang si Mark Escueta.

“We are sooooo grateful. Mas lalo kami nainspire to share our family life. Plase keep on watching. And sa iba, please LIKE and SUBSCRIBE ‘Jolina Network’ sa YouTube,” aniya.

 

“Special shoutout sa asawa kong masipag mag video at mag edit ng videos namin [Mark]. Yes kami lang lahat gumagawa,” dagdag pa niya.

Taong 2017 nang pormal na ni-release ni Jolina ang kanyang YouTube channel na pinamagatang #JolinaNetwork.

Bukod kay Jolina, ilan pa sa mga celebrities na nakatanggap na ng Silver Play Button Award, o parangal para sa mga YouTube creators na may 100,000 o higit pa na subscribers, ay sina Kim Chiu at Angeline Quinto.