Inigo Pascual at Maris Racal, nanatiling magkaibigan

Sinabi ni Inigo Pascual na tuloy pa din ang pelikula nila ni Maris Racal, na mapapanood ngayong taon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/1/2019 8:27 AM
Inigo Pascual at Maris Racal, nanatiling magkaibigan


Photo credit: @mariesteller on Instagram

Binigyang linaw ng Kapamilya star at singer-performer na si Inigo Pascual na tuloy pa din ang pelikula ng dating ka-love team at kasama sa Star Magic na si Maris Racal.

Kuwento ni Inigo sa naganap na launch ng kanyang bagong single na “Options”, priority niya ang pagtapos sa post-production ng pelikula ngayong siya ay muling nagbalik dito sa Pilipinas matapos ang ilang linggong pamamalagi sa US para sa kanyang bagong album.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#OPTIONS Acapella version with the Amazing @thefilharmonic

A post shared by Inigo Dôminic Pascual 💎 (@inigopascual) on

 

“Yes tuloy pa din po,” paglilinaw ni Inigo sa press.

“I’m dubbing soon. Si Maris (Racal) kakatapos lang niya mag-dub. We’re almost done with the process, Marvel movie po siya sa process, Avengers sa tagal ng process,” pagbibiro pa niya.

Dito, binigyang linaw din ng aktor na hindi niya tinatalikuran ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas nang mapabalitang ine-explore niya ang posibilidad na magkaroon din ng showbiz career sa Amerika. 

“I’m not saying that I’m leaving the Philippines, I think hindi mangyayari ‘yun. I was just representing our country as a Filipino and I should never be ashamed of that and we should be proud of it,” aniya.

“Hindi po ‘yun mawawala (showbiz career), I have a movie coming up, I’m still working for some endorsements here (Philippines). It’s not I’m migrating to the States,” patuloy pa niya. 

Binigyang diin din niya na hindi din daw nagtapos ang mabuting pagkakaibigan nila ni Maris. Ayon sa anak ni Piolo Pascual, tuloy pa din ang kanilang komunikasyon ni Maris.

WATCH #PushTV: Maris Racal, nagbigay ng maiinit na rebelasyon sa naging relasyon nila ni Inigo

“Before I left for the States, before I left for the whole radio tour in the states, she messaged me saying, ‘congratulations and good luck’ and it meant a lot to me, to be supported by your friends, it meant a lot,” sabi niya.

“We’re good! Were friends, I know a lot of things happening when I was away when I’m out the country and this is Inevitable questions so we have to answer. We’re okay honestly, we’re not in bad terms,” dagdag pa ng young star.

Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng kanilang love team, mananatili pa din ang pagsuporta nila sa isa’t-isa.

“There are things were going thru together. I’m thankful for it and I’m not gonna say anything bad towards her and I don’t think I can do that I don’t have the right to say,” paliwanag ni Inigo.

“For me the fact that she supports what I am doing and I’m also supportive of what she’s doing, I think that’s the most important thing with our friendship.”