• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Mau Marcelo naniniwalang mas malayo ang mararating ng anak na si Trish Bonilla

Exclusive: Mau Marcelo naniniwalang mas malayo ang mararating ng anak na si Trish Bonilla

Sa interview ng PUSH sa unang Philippine Idol na si Mau Marcelo, naniniwala siyang mas maraming opportunities ang magbubukas para sa kanyang anak na si Trish, na finalist naman sa Idol Philippines.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/1/2019 9:11 AM
Exclusive: Mau Marcelo naniniwalang mas malayo ang mararating ng anak na si Trish Bonilla


Photo credit: @trisha_bonilla on Instagram

Bago pa ang Idol Philippines ng ABS-CBN, naunang binigyan ng franchise ng FremantleMedia ang TV5 noong 2006 para sa Philippine Idol. Ang singer na si Mau Marcelo ng Lucena City ang nanalong kauna-unahang Philippine Idol.

Ano na nga ba ang nangyari sa career niya after Philippine Idol?

“Nagkaroon po ako ng album – Mau Marcelo I Shine For You under SONY BMG. Part po yon nung premyo ko sa Philppine Idol,” kuwento ni Mau sa interbyu ng PUSH.

“Marami din naman po akong mga naging guestings sa TV at mga corporate shows in Manila, out of town and out of the country shows. Ako din po ang nag-represent sa Pilipinas for Asian Idol sa Jarkarta, Indonesia,” patuloy niyang kuwento.

May disappointment ba siya na hindi masyadong na-push ng TV5 ang kanyang career after manalo?

Pag-amin ni Mau, “Somehow po meron din talaga. Kasi tao lang din naman ako at may nararamdaman. Unfortunately,  hindi siya naganap sa isang sikat na TV station kaya walang masyadong nangyaring promotions.”
     
Si Mau ang ina ni Trish Bonilla na pumasok sa Top 12 ng Idol Philippines.

Ano ba ang advice na binibigay niya kay Trish ngayong kasali ang dalaga sa isang contest?

“Simple lang ang sinasabi ko sa kanya -- always be humble, focus on her songs at sa mga ginagawa niya. Siyempre, dapat palagi ring magdadasal para may guidance Kay Lord,” sagot niya.

Pakiramdam ni Mau ay mas malayo ang mararating ni Trish bilang singer kumpara sa kanyang naabot. Bakit niya ito nasabi?

“Nasabi ko yun kasi napakabata niya pa nung napasok siya dito sa Idol Philippines. Napakalaki at very prestigious ang contest na ito tapos sa ABS-CBN pa ipinapalabas.

“Ako kasi no’n, eh, 26 na nu’ng sumali tapos four years old lang si Trish noon. Kaya sabi ko, blessed talaga siya dahil mas marami pa siyang mararating dahil nga bata pa siya at marami pa siyang pwedeng patunayan at gawin sa singing career niya,” huling pahayag ni Mau sa PUSH.