Bamboo, magbabalik sa ‘The Voice Kids’

Ibinahagi din ni Bamboo ang mga hinahanap niyang katangian sa future “Voice” of the Philippines.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/1/2019 9:36 AM
Bamboo, magbabalik sa ‘The Voice Kids’


Photo credit: @bamboomuzaklive on Instagram

Isa ang coach na si Bamboo sa inaasahan na magbabalik sa nalalapit na pagsisimula ng The Voice Kids

Sa naging panayam ng PUSH at ilang entertainment press sa kanyang naging special performance sa 2019 Piña Festival sa Ormoc City, Leyte nitong weekend, naging matipid sa pagbibigay detalye si Bamboo sa nalalapit na simula ng palabas.

READ: It‘s official! Sarah Geronimo confirms return as ‘The Voice’ judge

“Is The Voice back? I didn’t get the memo yet. Mangyayari pa ba ? Hindi ko pa alam, hindi ko pa alam yata,” pagbibirong tugon ni Bamboo.

Ibinahagi naman ni Bamboo kung anong mga hinahanap niyang katangian ng mga batang mapapabilang sa Team Kawayan. 

“Of course magaling na artist, ‘The Voice Kids’ so sana on my list magaling na bata, sana someone to represent me as a small kid. Somebody to bring out the emotions from us, so ayun, sana mangyari ‘di ba?” sabi pa niya.

At dahil nagkaroon nga ng mahabang pahinga bilang coach,  all set na din daw ang kanyang kapwa coaches na sina Sarah Geronimo at Lea Salonga.

Matatandaan na kamakailan, nag-post na ang Broadway diva sa kanyang Instagram na umaarangkada na ang taping ng show.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

And... it begins again. We’re back. #TheVoiceKidsPH

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga) on

 

“I think lahat kami nakapahinga and everyone’s coming all strong which is very good, so we’re all very happy. Masaya kaming lahat,” pahayag pa ni Bamboo.

READ: Lea Salonga to return as coach on ‘The Voice Kids’

Bukod kay Lea, Sarah at Bamboo, hindi pa tiyak kung may ika-apat pang coach na magiging bahagi  ng bagong edisyon ng The Voice Kids.