• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya ni Eddie Garcia nilinaw na hindi atake sa puso ang dahilan ng pagkatumba nito

Kapamilya ni Eddie Garcia nilinaw na hindi atake sa puso ang dahilan ng pagkatumba nito

Kumalat ang isang video ng veteran aktor na si Eddie Garcia kung saan ay makikita itong napatid sa isang kable habang nasa taping ng kanyang bagong serye.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/9/2019 1:14 PM
Kapamilya ni Eddie Garcia nilinaw na hindi atake sa puso ang dahilan ng pagkatumba nito


Nilinaw ng isang malapit na family member ng veteran actor na si Eddie Garcia na hindi totoong severe heart attack at stroke ang dahilan kung bakit nawalan ito ng malay kahapon (June 8) ng umaga habang nagti-taping ng isang teleserye.

Ayon pa sa kanyang pahayag kaya nawalan ng malay ang award-winning actor-director dahil dahil sumubsob ang mukha nito sa lupa nang madapa habang kinukunan ang isang eksena.

READ: Celebrities extend prayers for Eddie Garcia’s quick recovery

Napatid ang mga paa ng aktor sa isang kable kaya nawalan ito ng balance at bigla na lang bumulagta.

Kumalat naman agad ang video ng pagkadapa ni Manoy Eddie sa social media.

Ayon pa sa malapit na kapamilya ng aktor, dahil sa aksidente ay nagkaroon fracture ang kanyang base neck C1 at C2 vertebrae.

Ngayong umaga ng June 9 ay naglabas naman ang GMA-7 ng official statement tungkol sa video kumalat sa social media mula sa insidente.

"The video of Mr. Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collapsing has reached GMA. We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took before we make any conclusions on what really transpired.

"The statement that was released earlier was given to GMA News by Nick, Mr. Eddie Garcia’s stepson.

"We will wait for the family or their doctor to issue a formal update on his condition. Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery."

Kasalukuyang nasa ICU ng Makati Medical Center ang 90-year-old actor para obserbahan ang kalagayan. Unang dinala sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Manila ang veteran star pagkatapos niyang mawalan ng malay.