• Home
  • Fresh Scoops
  • Doktor ni Eddie Garcia, nagsalita na sa totoong kalagayan ng veteran actor

Doktor ni Eddie Garcia, nagsalita na sa totoong kalagayan ng veteran actor

Kasalukuyang nasa ‘deep sleep’ang veteran actor na si Eddie Garcia matapos magkaroon ng mga fracture dahil sa pagkakadapa sa set ng kanyang bagong TV series.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/10/2019 12:47 AM
Doktor ni Eddie Garcia, nagsalita na sa totoong kalagayan ng veteran actor


Photo credit: Bibeth Orteza

Nagsalita na ang family doctor ni Eddie Garcia tungkol sa totoong kalagayang ng veteran actor.

Ayon kay Dr. Enrique Lagman, the actor did not suffer a heart attack as earlier reported after niyang matumba dahil sa cable wire sa taping ng isang telesereye. 

READ:Kapamilya ni Eddie Garcia nilinaw na hindi atake sa puso ang dahilan ng pagkatumba nito

Sabi pa niya, “He is in critical condition due to severe cervical fracture”, resulta na kaagad namang ini-release din ng pamilya ni Manoy Eddie.

Kasalukuyan ding nasa “deep sleep” ang 90-year-old actor na huling napanood sa Ang Probinsyano series ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Naka-confine siya sa ICU ng Makati Medical Center pagkatapos ilipat from Mary Johnston Hospitan in Tondo, Manila.

Sa larawang kuha ng scriptwriter/actress na si Bibeth Orteza ay makikitang nakahawak si Manoy Eddie sa rosary.

Patuloy namang bumubuhos sa social media ang well-wishers ng aktor na nagpe-pray na maka-recover na ito.