Disenyo ng Korona ng Miss Universe Philippines, pinalitan?

2018 nang unang isuot ang mga bagong batch ng korona ng Binibining Pilipinas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/9/2019 9:33 AM
Disenyo ng Korona ng Miss Universe Philippines, pinalitan?


Photo credit: @kleapineda on Instagram

Kasabay ng inaabangan na coronation night ng 2019 Binibining Pilipinas, ay ang tila bagong disenyo ng korona na isusuot sa bagong kinatawan ng Pilipinas para sa Miss Universe 2019.

Matatandaan na noong 2018, mainit na pinag-usapan ang halaga ng mga bagong korona na ipinatong sa anim na Binibini queens kabilang na si Catriona Gray.

Ito ang unang pagkakataon na isinuot ang mga korona na ito sa Binibining Pilipinas queens.

READ: 2018 Miss Universe PH Catriona Gray, deadma sa presyo ng bagong Binibining Pilipinas crown

Sa unang panayam ng PUSH noon sa mga bagong beauty queens, sinagot ng reigning Miss Universe Philippines na si Catriona Gray ang isyu na ito.

“I don’t have a problem with it. It’s the queen that makes the crowns so I’m sure that each of us queens will leave a legacy to the crowns no matter what the design,” tugon ni Cat sa panayam sa kanya ng PUSH noon.

Isa din sa mainit na usapan ang tila pagkaka-pareho ng korona ng 2018 Binibining Pilipinas sa korona na nabibili sa isang online shopping flat form.

READ: Bagong korona ng Miss Universe Philippines, kahawig ba ng nabibili lang sa isang website?

Ganun pa man, usap-usapan ngayon ang sinasabing bagong korona at sash na isusuot ngayon sa bagong Miss Universe Philippines na tila hawig na ng sash ng Miss Universe Organization.

Ngayong June 9, ipapasa na Catriona ang titulo bilang Miss Universe Philippines sa isa sa 40 kandidata ng Binibining Pilipinas 2019.

Mapapanood ang telecast ng pageant mamayang gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng PBB Otso