• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Gonzalez, nagbigay komento sa mechanics ng isang meet and greet event

Bianca Gonzalez, nagbigay komento sa mechanics ng isang meet and greet event

Para kay Bianca Gonzalez, may iba namang paraan upang maging patas ang mechanics ng isang promo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/9/2019 10:55 AM
Bianca Gonzalez, nagbigay komento sa mechanics ng isang meet and greet event


Photo credit: @iamsuperbianca on Instagram

Nagbigay komento ang TV host na si Bianca Gonzalez tungkol sa mechanics tuwing nag-oorganisa ang ilang kumpanya.

Naging matunog ang isyu matapos mag-trend ang meet and greet event ng Shopee kung saan ang may pinakamataas na nagastos sa kanila ay may tsansang makita ang Korean group na BlackPink ngunit marami ang nadismaya dahil nagkaaberya sa tickets.

Ang ilan sa mga nabigyan umano ng ticket ay dahil kabilang sila sa mga “highest spenders” ng naturang online shopping app ngunit last minute na raw noong binawi ito sa kanila. Napansin din ng mga dumalo sa naturang meet and greet ang pagkakahiwalay ng tickets ng mga influencers at celebrities.

“Moving forward baka dapat ipagbawal na ng DTI ang eligibility for tickets through highest spenders kasi medyo unjust yun. Pwede pa ang tipong first X number of buyers para unahan lang at mas patas ang laban,” ani Bianca.

h

 

Inireklamo ito ng ilang K-Pop fans dahil hindi naging malinaw ang promo mechanics at hindi rin sigurado ang naging paraan ng pagpili ng winners.

Humingi na ng paumanhin ang online shopping app ngunit mag-iimbestiga naman ang Department of Trade and Industry (DTI) matapos makatanggap ng reklamo.