AlEmpoy tandem, magsasama muli sa isang pelikula

Unang napanood si Alessandra de Rossi at Empoy Marquez noong 2017 sa blockbuster movie na ‘Kita Kita.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/9/2019 11:51 AM
AlEmpoy tandem, magsasama muli sa isang pelikula


Photo credit: @msderossi on Instagram

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik tambalan nila Alessandra De Rossi at Empoy Marquez na unang nagpakilig sa certified blockbuster movie noong 2017 sa Kita Kita.

Kuwento ni Empoy, nagsimula na ang meeting nila ng creative team nila sa Spring films para sa kanilang pagbabalik pelikula.

“Nag meeting na kami last week sa Cornerstone office, which is sa Spring films kami ni Alessandra De Rossi, reunited namin (reunion) with direk Sigrid Bernardo,” tugon ni Empoy sa panayam ng PUSH.

Ayon pa kay Empoy, malayong malayo sa Kita Kita ang magiging reunion movie project nila ni Alessandra. 

READ: ‘Kita Kita’ exceeds P300 million mark in box-office sales

“Hindi siya sequel, kasi namatay na si Tonyo (Empoy’s character in Kita Kita) it’s another movie na very interesting, sinusulat na din ngayon ang script at kailangan ulit na mapanuod ng mga tao ito, para sa inyo,” ani Empoy.

Dahil sa naging tagumpay ng Kita Kita noong 2017, hindi naiwasan na maitanong kay Empoy kung may pressure ba siya ngayon na nararamdaman sa kanilang balik proyekto.

READ: Alessandra De Rossi at Empoy Marquez nagulat na nakakuha ng bonus sa ‘Kita Kita’

“Siguro masasabi kong oo. Kasi ‘yun ang expectation ng mga tao, pero ipag pray natin ulit to na maganda ‘yung kalabasan dahil wala  naman kaming plano kun’di pasayahin lang ang lahat ng manunood,” pahayag pa ni Empoy. 

Ayon pa kay Empoy, target ipalabas ang reunion movie nila ni Alex bago magtapos ang 2019.