• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda, may mensahe sa mga bashers ng ‘Idol Philippines’

Vice Ganda, may mensahe sa mga bashers ng ‘Idol Philippines’

Napapanood tuwing weekend si Vice Ganda bilang hurado sa ‘Idol Philippines.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/8/2019 11:47 AM
Vice Ganda, may mensahe sa mga bashers ng ‘Idol Philippines’


Photo credit: @praybeytbenjamin on Instagram

Tila ayaw nang patulan pa ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mga batikos na ibinabato sa Kapamilya singing search na Idol Philippines.

Isa si Vice Ganda sa mga hurado kasama si Moira Dela Torre, James Reid, at Regine Velasquez na sumasalang din sa mapanuring mata ng viewers tuwing episode ng programa.

Kung tatanungin si Vice sa kanyang komento sa mga ito, “Wala! E mga basher nga ‘yan, bakit ako mag explain sa kanila?” tugon niya sa naganap na sa book launch kanyang self titled book Jose Marie Viceral: Tutoy.

“Kahit anong explain mo ‘yung mga taong ayaw sa iyo, kahit anong explain mo hindi makikinig. Pero ‘yung mga taong mahal ka, kahit hindi mag explain mauunawan ka,” patuloy niya.

Aniya, nasanay na siya sa mga ito at hindi na para patulan pa.

READ: Regine Velasquez, dumipensa para kay James Reid at Moira Dela Torre

“Lahat naman ng tao may masasabi sa isa’t isa. That’s life accepted ko na ‘yun,” paliwanag pa niya.

Kung usapin naman ng pag kakaunawaan, hindi din naiwasan na uamustahin kay Vice ang tunay na estado ng relasyon nila ni si “Kuya Escort” Ion Perez na present din sa kanyang book launch.

Matatandaan na hindi ito ang unang beses na kasama ni Vice si Ion sa kanyang mga  showbiz appearances. Sa katunayan, kasama ni Vice si Ion at “Ate Girl” Jackque Gonzaga sa kanyang huling US Concert tour.

“Happy naman ang mga buhay namin ni Ion, that’s the real score. Ion and I are both happy,” matipid niyang tugon.

Sa ngayon, abala si Vice sa patuloy na pag-promote ng kanyang libro na isa ngayon sa bestselling books sa Pilipinas.