• Home
  • Fresh Scoops
  • Veteran actor Eddie Garcia, nawalan ng malay habang nasa taping

Veteran actor Eddie Garcia, nawalan ng malay habang nasa taping

Isinugod sa ospital ang beteranong aktor na si Eddie Garcia dahil ito ay natumba at nawalan ng malay habang nasa taping ng kanyang bagong TV series.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/8/2019 4:40 PM
Veteran actor Eddie Garcia, nawalan ng malay habang nasa taping


Isang malungkot na balita ang gumulantang sa showbiz industry ngayong Sabado, June 8, nang ang veteran actor na si Eddie Garcia ay matumba sa set ng bagong teleserye ng GMA-7 habang nagte-taping.

Kaagad na inalalayan si Manoy Eddie (tawag sa actor) ng production staff at dinala sa malapit na hospital from the taping location – ang Mary Johnston Hospital sa Tondo, Manila.

May balitang unconscious at comatose ang beteranong aktor nang dalhin ito sa ospital, pero sa latest update, na-revive na ito at nagkaroon na ng malay.

Dadalhin na rin siya sa isang hospital sa Quezon City para obserbahan pa at lapatan ng lunas.

Huling napanood si Manoy Eddie Garcia sa longest-running teleserye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Don Emilio, isa sa mga kontrabida sa buhay ni Cardo na ginagampanan naman ni  Coco Martin.

READ: Eddie Garcia departs ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Kelan lang ay ginawaran ang 90-year-old actor ng Best Actor award sa katatapos lamang na 67th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) para sa pelikulang ML. Siya lang din ang aktor na Hall of Famer na sa tatlong categorya sa FAMAS - Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director.