• Home
  • Fresh Scoops
  • Shamaine at Nonie Buencamino, emosyonal na ikinuwento ang mga hamon sa kanilang 29 years bilang mag-asawa

Shamaine at Nonie Buencamino, emosyonal na ikinuwento ang mga hamon sa kanilang 29 years bilang mag-asawa

Naging emosyonal ang aktres na si Shamaine Buencamino nang ikuwento ang pinagdaanang adiksyon noon ng asawang si Nonie Buencamino.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/8/2019 11:40 AM
Shamaine at Nonie Buencamino, emosyonal na ikinuwento ang mga hamon sa kanilang 29 years bilang mag-asawa


Photo credit: @shamainebuencamino on Instagram

Sa pagdiriwang ng kanilang ika-29 na taon bilang mag-asawa, bumisita sina Shamaine at Nonie Buencamino sa morning talk show na Magandang Buhay, kahapon June 7. Matapos ikuwento ang mga sweet na pagsisimula ng kanilang relasyon, hindi naman naiwasang magbahagi rin ng mga malalaking hamon na sabay nilang pinagdaan bilang mag-asawa.

Ayon kay Nonie, maituturing niyang pinakamalaking pagsubok ang hindi inaasahang pagkamatay ng isa sa mga anak nila na si Julia noong 2015.

"Ang isa sa malaking challenge, ay halimbawa, masamang-masama ang pakiramdam mo tapos 'yung ka-partner mo at kasama mo sa bahay ganun din," pahayag ni Nonie.

Naging emosyonal naman si Shamaine, nang ibahagi niya kung paano nila ipinaglaban ni Nonie ang kanilang relasyon, matapos ang adiksyon nito sa droga noon.

"Nonie went through addiction and it came to a point where I had to choose to fight for our marriage, to fight for us to stay together, or to leave him kasi hindi ko alam where it will lead him.

"Ang taong naapektuhan ng droga, nawawala sa kanilang sarili. Naghanap ako ng rehab and buti na lang and Nonie valued our marriage enough to agree kasi at first, ayaw niya talaga," kuwento ni Shamaine sa mga momshie hosts.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Day 30: Seoul-bound! Pray for the success of our film? #sunshinefamilyinkorea

A post shared by Shamaine Centenera Buencamino (@shamainebuencamino) on

 

Mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino, boses ng mental health awareness

PANOORIN: Nonie, Shamaine Buencamino ni-reenact ang KathNiel scene sa ‘She’s Dating the Gangster’

Kilala ang mag-asawang bilang isa sa mga premyadong mga aktor sa industriya ng showbiz. Bilang parehas na nagmula sa pagta-teatro, inamin ng dalawa na maaaring na-impluwensyahan rin nila ang kanilang mga anak sa pag-arte

Bago magtapos ang kanilang interview, nag-iwan naman ng kani-kanilang mensahe sina Nonie at Shamaine. 

"It's a choice to stay together. If you believe in your vows and you believe that God has put you together, then let no man put you apart. It's a vow, keep to your vow. Till death do you part," pahayag ni Shamaine.

Habang si Nonie naman, ibinahagi ang pangarap niya para sa kanilang dalawa ni Shamaine. "Pangarap ko makagawa kami ng maraming films together, or TV shows and theater [plays] together hanggang sa tumanda kami," ani Nonie.

Bida sa bagong pelikula mula sa Spring Films sina Shamaine at Nonie na Sunshine Family. Habang gumaganap na mag-asawa, nakasama rin nila dito ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez. 

Mapapanood na sa mga sinehan ang Sunshine Family.