• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Otso housemate Ashley Del Mundo, inaming may namagitan sa kanila ni Lance Carr

PBB Otso housemate Ashley Del Mundo, inaming may namagitan sa kanila ni Lance Carr

Ayon kay Ashley del Mundo, nagkaroon sila ng ‘something’ ni Lance Carr.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/8/2019 10:45 AM
PBB Otso housemate Ashley Del Mundo, inaming may namagitan sa kanila ni Lance Carr


Photo credit: @ashley_delmundo / @lance_justin_carr on Instagram

Naging mainit na usapan ang mga pangyayari sa loob ng bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother at nang makapanayam ni Boy Abunda ang PBB Otso teen housemate na si Ashley del Mundo sa Tonight with Boy Abunda ay kanyang nilinaw ang mga isyu tungkol sa kanya.

Unang sumalang sa PBB Otso sina Ashley at Lance bilang Star Dreamers sa Camp Star Hunt at nagsimula silang maging malapit sa isa’t isa. Nang parehong mapunta sa PBB house at maging ganap na housemates ay naging mailap si Lance kay Ashley at kanyang inamin na nabibighani siya sa kapwa niya housemate na si Angela Tungol.

Nilinaw naman ni Ashley na walang isyu sa kanilang tatlo at mas pinili na lamang niyang maging kaibigan si Lance.

“We spoke about it, me and Lance po. I told him po na, ‘I understand that you have feelings like it’s okay I’m not jealous or anything as long as we’re good friends and my friendship with ate Angela doesn’t get ruined,’” aniya.

Inamin naman ni Ashley na nagkaroon sila ng ‘something’ ni Lance.

“[We] drifted off I would say, I knew ate Angela had feelings for Lance po as well so I still wanted to keep my friendship po with ate Angela. I wasn’t going to fight over a boy po,” ani Ashley.

Sa ngayon ay humahanga naman sa kanya ang kapwa niya housemate na si Tan Roncal na kasama rin niya sa naturang interbyu.