• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sophie Reyes aminadong dumaan sa maraming frustrations bago nakapasok sa showbiz

EXCLUSIVE: Sophie Reyes aminadong dumaan sa maraming frustrations bago nakapasok sa showbiz

Kinailangan ni Sophie Reyes mag-training para matanggap sa Star Magic.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/8/2019 11:28 AM
EXCLUSIVE: Sophie Reyes aminadong dumaan sa maraming frustrations bago nakapasok sa showbiz


Photo credit: @starmagicphils/@soupwithsophie on Instagram

Galing sa showbiz royalty ang 2019 Star Magic Circle member na si Sophie Reyes. Anak siya ng aktres na si Rina Reyes, apo ng aktres na si Baby O’Brien, at apo sa tuhod ni Paraluman na sikat na aktres noong dekada sa Sampaguita Studio.

 Ayon kay Sophie, seven years old pa lang siya noon ay gusto na niyang maging artista.

“Actually, iniluwal pa lang ako ng mom ko, gusto ko nang mag-artista,” natatawang simula ni Sophie sa PUSH.

Nakikita raw niya noon ang ginagawa ng mommy niya kapag isinasama siya sa taping kaya maagang namulat ang isip niya sa pag-arte.

“Lagi ko po silang ginagaya. Hindi po katulad ng ibang bata na naglalaro, ako po ginagaya sila,” kuwento pa niya.

Kaya lang, kahit galing sa showbiz royalty ay nahirapan din si Sophie na pasukin ang showbiz.

Aniya, “Nag-try po mag-enter ng Star Magic before, pero siguro po hindi ko pa time noon. First year high school po ako noon. Sinabi po nina Mr. M (Johnny Manahan) sa mom ko na, ‘hindi pa siya ready, mag-train muna siya.’

“So, ako naman tinanggap ko yon. Tapos nung grumadweyt ako ng college (Multimedia Arts), yon po, sumakto yung timing.”

Naisip na rin daw niya na huwag na lang ituloy ang pag-aartista dahil sa dami ng rejections na na-experience niya.

 “Kasi po marami akong rejections na pinagdaanan. Pero instead na-down po ako, ginamit ko na lang to improve may craft and physically po. And I tried to take care of myself na rin,” bulalas niya.

“Honestly, may mga times na gusto nang mag-give-up. Tapos parang pinagpe-pray ko na eto ba yung plan ni God for me? Tapos parang nag-align na lang lahat – nag-graduate ako, natapos na yung pangarap ng mom ko for me, tapos ayun, nagustuhan ako nina Mr. M. Sabi nila mukha na akong prepared, ang sarap (sa pakiramdam),” patuloy ng dalaga.

Nakakaramdam ba siya ng pressure ngayong napasok na niya finally ang showbiz?

“Honestly, siyempre po may pressure, pero ginagamit ko na lang na bilang motivation. Kasi Mama naman very supportive,” rason niya.