• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Hashtag CK, Vivoree Esclito, at JC Alcantara magsasama-sama sa isang proyekto

EXCLUSIVE: Hashtag CK, Vivoree Esclito, at JC Alcantara magsasama-sama sa isang proyekto

Sa kabila ng pagiging dating magkatambal nina Vivoree Esclito at JC Alcantara, nilinaw ni Hashtag CK na walang namumuong isyu sa kanilang tatlo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/8/2019 11:19 AM
EXCLUSIVE: Hashtag CK, Vivoree Esclito, at JC Alcantara magsasama-sama sa isang proyekto


Photo credit: @jcalcantaraofficial/@vivoree/@hashtag_ck on Instagram

Masayang ibinalita ng Hashtags member na si Charles Kieron o mas kilala bilang Hashtag CK, ang paparating niyang proyekto kasama ang ka-love team niyang si Vivoree Esclito at si JC Alcantara. Sa exclusive interview ng PUSH sa aktor, excited ang aktor na ipalabas ang pinaka-unang proyekto bilang lead roles ng tambalang KierVi. 

"Sobrang excited kasi, first time namin magli-lead role sa MMK (Maalaala Mo Kaya), and ang ganda ng story na binigay sa amin, [kaya] isang malaking opportunity na sa amin naibigay yung story na 'yon, kasi sobrang—yung pagkaka-kuwento yung pagkakasulat, iba sa mga nagampanan na naming mga role," pahayag ni CK. 

Habang hindi pa kayang banggitin ang magiging takbo ng istorya ng naturang episode ng MMK, sinabi naman ng aktor na makakasama niya rin dito si JC Alcantara, isa sa mga bagong miyembro ng Star Magic Circle, na di umano ay naging katambal din noon ni Vivoree. 

Nilinaw ni CK na walang "awkwardness" o anu mang isyu ang nambubuo sa kanilang tatlo. 

"Wala namang [awkwardness] kasi kahit anong work namang ibato sa amin ni Vivoree, kahit sino pang kasama namin tinatanggap lang namin siya. And gusto naming maibigay lahat ng kailangang maibigay sa story, kahit sino pang kasama namin.

"Wala namang hiyaan, close naman kaming tatlo," paliwanag ni CK.

https://www.instagram.com/p/BuKlnpcDgVP/ 

Paano nga ba nagsimulang mabuo ang love team ng ‘KierVi’?

Here’s what CK and Vivoree have to say on the possibility of falling for each other

Noong November 2017 unang nakilala ang tambalan nina Vivoree at JC. Natapos ito nang mabuo naman ang bagong tambalan na KierVi, o nila Vivoree at CK, noong October 2018. 

Nagsisimula na ang taping para sa nabanggit na MMK episode na ididrek ni John Lapus. Sa ngayon, wala pang ganap na detalye sa kung kailan ito ipapalabas.