Vice Ganda, ipinagmalaki si ‘Tutoy’

Bahagi ng libro ni Vice Ganda ang kanyang mga pinagdaan sa buhay.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/7/2019 10:41 AM
Vice Ganda, ipinagmalaki si ‘Tutoy’


Mala-fiesta ang naging tema ng book launch ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang self-titled book na Jose Marie Viceral: Tutoy.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Meme!!! ❤️❤️❤️ #TutoyBookLaunch

A post shared by Team Vice (@teamviceph) on

 

Dito, inamin ni Vice na hindi naging biro ang naging proseso ng pag-buo ng kanyang libro.

“Noong sinusulat namin ‘to, oo mahirap ‘yung interview palang habang ginagawa namin, noong pinag-ku-kuwento ako, marami silang tinatanong ang hirap!” tugon ni Vice sa panayam sa kanya.

“Ang hirap ilabas siyempre habang lumalaki ka may mga bahagi may mga bahagi ng buhay mo na gusto mo talikuran, gusto mo kalimutan, pero sa librong ito, kailangan mo sila alalahanin ulit. Kasi it’s worth sharing kaya hindi ko naman yun ipagdadamot,” patuloy pa niya.

Ayon pa kay Vice, kasama din sa kanyang libro ang naging karanasan sa kanyang buhay pag-ibig noong kanyang kabataan.

“Noong bata ako oo, kasi syempre noong bata tayo, mayroon tayong (puppy love?) oo mga puppy love, ‘yung mga best friend kuning, parang best friend ko ba ‘to o may gusto ako sa kanya,” aniya.

At kung bahagi ang masasayang bahagi ng kanyang buhay pag-ibig, Hindi din ipinagdamot ni Vice sa libro ang mga personal na hugot na kanyang dinanas sa buhay.

“May mga masasakit pero simplified ang kuwento, kasi ayaw naman namin na pagkatapos magbasa e bagabag. Ang gusto namin na kahit hindi maganda ang karanasan, positive ang dating sa mga tao kasi mayroong silang pulot(mapupulot na aral),” pahayag pa ni Vice.

Mabibili na sa leading bookstore ang Jose Marie Viceral: Tutoy sa halagang PHP195.