Maris Racal, handa na nga makipag-date muli?

Hindi itinanggi ni Maris Racal na nagkaroon siya ng feelings para kay Inigo Pascual.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/7/2019 10:37 AM
Maris Racal, handa na nga makipag-date muli?


Photo credit: @mariestelle on Instagram

Matapos ang naging pag-amin ng Kapamilya star na si Maris Racal sa Tonight With Boy Abunda sa tunay na estado ng love team nila ni Inigo Pascual, inamin ni Maris na on good terms pa din sila ngayon bilang magkaibigan.

Kuwento ni Maris, mutual din ang naging desisyon nila na makipag-trabaho na sa ibang bituin na itatambal na para sa kanila.

“Yes we’re open to working with other people, ngayon lang talaga na may mga... Hindi ko po kasi masasabi na over na at all, open naman kami to work again it’s just that, iba talaga ‘yung path na gusto for us,” ani Maris sa panayam.

Dito, inamin din ni Maris na maaga na niyang naihanda ang kanyang sarili sa hiwalayan nila ng landas ni Inigo.

“Siguro in-expect ko na ‘to,” pag amin ni Maris.

“Open naman si Inigo na ever since, music talaga siya and nag acting lang siya dahil gusto niya makipag work sa akin,” paliwanag pa ng Kapamilya star.

Kung tatanungin naman kung handa na ba siya na makipag date muli, sagot ni Maris, “Hindi ko alam e, pag may dumating na maayos and pareho kami ng gusto and kung ‘yun na talaga ang the one, okay na,” nakangiti niyang pahayag.