• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio, handa na nga ba makasama si Ronnie Alonte sa kanyang future?

Loisa Andalio, handa na nga ba makasama si Ronnie Alonte sa kanyang future?

Ang mga payo ng nakakatanda sa kanya sa showbiz ang nais dalhin ni Loisa Andalio sa kanyang future.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/7/2019 12:01 PM
Loisa Andalio, handa na nga ba makasama si Ronnie Alonte sa kanyang future?


Photo credit: @iamandalioloisa on Instagram (R)

Bagong aabangan sa iWant ang Past, Present, Perfect? series na kinabibilangan nina Loisa Andalio ,Vin Abrenica, at Shaina Magdayao.

Kilala si Loisa sa kanyang direchong pagsagot sa tanong ng media kaya naman markado ang kanyang mga naging pahayag sa media conference ng bagong proyekto kung sino ang kanyang gusto makasama sa kanyang future.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

•you were made to be mine 🤪 Thank you for watching It’s Showtime! 💜

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

“Sa akin marami ka matututunan sa past kaya importante talaga ang past kasi kung ano ka ngayon dahil yan sa pinagdaanan mo sa mga lesson na natutunan mo yung future? Tingnan natin kung si Ronnie (Alonte)?” masayang sabi ni Loisa.

At kung natutunan naman sa past ang ibabahagi ni Loisa, wala pa din daw dadaig sa mga payo ng mga nakakatandang kasamahan sa showbiz.

“Ang gusto ko dalhin sa future na bitbit ko ngayon sa present yung mga lesson na natutunan ko yung mga gabay sa akin, yung pagpayo sa akin ng mga nakatatanda. Yun ang mga gusto ko bitbitin ngayon hanggang future,” pahayag pa ni Loisa.

Streaming na ang Past, Present, Perfect? sa iWant.