• Home
  • Fresh Scoops
  • KILALANIN: Sila ang mga top picks sa 2019 Binibining Pilipinas

KILALANIN: Sila ang mga top picks sa 2019 Binibining Pilipinas

Sino sa kanila ang uuwi ng korona sa 2019 Binibining Pilipinas?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/7/2019 11:57 AM
KILALANIN: Sila ang mga top picks sa 2019 Binibining Pilipinas


Photo credit: @normant on Instagram

Kasabay ng nalalapit na coronation night ng 2019 Binibining Pilipinas pageant ngayong June 9, kanya-kanya ng mga manok ang ilan sa mga pageant fans na todo ang suporta para sa kanilang paboritong kandidata.

Kaya naman ang ilang pageant experts, naglabas na ng kanilang fearless forecast kung sino nga ba ang karapat -apat ma makasungkit ng korona sa Binibining Pilipinas.

Ang pageant expert na si Norman Tinio, si Patricia Magtanong ang gusto maging Miss Universe Philippines at si Vickie Marie Rushton naman ang hula na magiging Binibining Pilipinas International.

 

Ang Missosology organization naman, ang Binibini mula Cebu, Palawan at Pampanga ang top three na maglalaban laban para sa titulo.

 

Sa ginawa naman na survey ng pageant press naman na si Robert Requintina, si Gazini Ganados ng Talisay, Cebu ang may nakuhang pinakamataas na boto.

 

Iba-iba Man ang resulta sa fearless forecast sa Binibini Candidates, hindi pa din mawawala ang surprise winners na magniningning sa gabi na coronation night ngayong June 9.

Mapapanood ang live telecast nag 2019 Binibining Pilipinas sa ABS-CBN.