• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada, emosyonal na nag-kuwento tungkol sa kanyang ina

Karla Estrada, emosyonal na nag-kuwento tungkol sa kanyang ina

Hindi napigilan ng momshie host na si Karla Estrada na maging emosyonal habang ikinu-kwento ang mga sakripisyo para sa kaniyang ina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/7/2019 12:13 PM
Karla Estrada, emosyonal na nag-kuwento tungkol sa kanyang ina


Habang masayang nag-kuwento ang mga momshie hosts na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ng kani-kanilang karanasan bilang mga anak ay hindi naman napigilan ng kapwa host na si Karla Estrada ang maging emosyonal.

Sa episode ng Magandang Buhay kahapon, June 6, inalala ni Karla ang mga panahong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz, at pagiging breadwinner ng kaniyang pamilya noon.

"Ang pagiging anak ay na-master ko 'yan. Simula't sapul na ako'y natutong kumanta, at kumita ng pera, talagang ako'y naging breadwinner na.

"I'm very proud na si mama ay nakaranas ng magandang buhay dahil matagal kaming nagkasama sa hirap. Hindi ako makakakilos, hindi ako makakapag-trabaho kung wala si mama, na nandiyan [sa tabi ko]," pahayag ni Karla, habang binabalikan ang pagsisimula niya variety show na That's Entertainment noong ‘90s.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thanks to my @leekumkeeglobal family!!! Happy birthday @_magandangbuhay !!! ♥️

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

 

Ayon pa sa morning talk show host, sa edad ng ina na 75, may malapit na pa rin silang relasyon kasama ang mga kapatid, at mga apo nito. 

"Ako naappreciate ko lang ang nanay ko, she's still here na kasama pa namin, mag-75 na siya ngayong August [at] kasama namin, nag-aalaga siya ng mga anak ko, ng mga apo niya sa probinsya.

"Lahat ng itong nakikita ninyong magagandang kaugalian sa aming mag-ina, at sa aking mga anak, lahat ay galing sa aking ama at ina," dagdag niya. 

Lalong namang naging emosyonal si Karla, nang tapusin ang kanyang pagsasalita sa huling mensahe para sa ina.

"Hangga't nandito't malakas pa ako, ibibigay ko sa nanay ko ang karapat dapat na para sa kanya, at sa kanya lamang," ani Karla na pinalakpakan ng studio audience.

READ: Karla Estrada, ipinaliwanag ang kanyang bagong tattoo 

Kamakailan ay ipinagdiwang ng mga momshie hosts ang ikatlong anibersaryo ng kanilang programa, kung saan ay nilibot nila ang mga bago at sikat na destinasyon sa Boracay Island.