• Home
  • Fresh Scoops
  • Willie Revillame, tinupad ang pangakong regalo sa Tawag ng Tanghalan contestant sa ‘It’s Showtime’

Willie Revillame, tinupad ang pangakong regalo sa Tawag ng Tanghalan contestant sa ‘It’s Showtime’

Willie Revillame, nangakong bibilhan ng drone ang isang Tawag ng Tanghalan contestant para sa kanyang anak.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/6/2019 11:13 AM
Willie Revillame, tinupad ang pangakong regalo sa Tawag ng Tanghalan contestant sa ‘It’s Showtime’


Photo credit: www.philstar.com (R)

Matapos ang biglaang phone patch ni Willie Revillame sa It’s Showtime noong Lunes, Hunyo 3, ay kaagad naman niyang tinupad ang kanyang pangako sa “Tawag ng Tanghalan” contestant na si Clyde Borongan.

Nang bumati kasi si Clyde sa kanyang asawa ay muntik na niyang mabanggit ang programa ni Willie. Nakausap naman ni Clyde ang beteranong host nang tawagan ng TNT hurado na si Ogie Alcasid.

Read: It’s Showtime hosts, nakausap si Willie Revillame via live phone patch

Sa panayam sa singer-songwriter sa DZRH noon Martes, Hunyo 4, sinabi ni Ogie na hindi ito planado.

“Nu’ng tinawagan ko siya, ‘Uy, puwede ba kita i-ere?’ Sabi niya, ‘Sige!’ E, di ‘yun na. Nakakatuwa naman,” kwento ni Ogie.

Nang makausap ng contender si Willie ay hiniling niyang makabili siya ng drone para sa kanyang anak at pumayag naman ang host.

“Kanina, naipadala na niya,” pagkumpirma ni Ogie.

“He made it sure na makarating. So, nag-text siya sa akin, ‘O, ayan, napadala ko na.’ Nakaka-good vibes iyon, ‘di ba?” dagdag pa niya.

Bago maging noontime show ng ABS-CBN ang It’s Showtime ay namayagpag muna ng ilang taon ang programa ni Willie na Wowowee at kilala siya sa pagiging mapagbigay sa mga audience nito at contestants ng programa.