• Home
  • Fresh Scoops
  • Ria Atayde, nilinaw ang real score sa kanila ni JM De Guzman

Ria Atayde, nilinaw ang real score sa kanila ni JM De Guzman

Hindi din itinanggi ni Ria Atayde na nagkakaroon na sila ng bonding moments together ni JM De Guzman.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/6/2019 11:19 AM
Ria Atayde, nilinaw ang real score sa kanila ni JM De Guzman


Photo credit: @ria/ @1migueldeguzman on Instagram

Hindi naging matipid sa pagbibigay detalye ang Kapamilya star na si Ria Atayde nang tanungin ito sa real score sa kanila ng Kapamilya actor na si JM De Guzman.

WATCH: Nagkakamabutihan na nga ba sina JM de Guzman at Ria Atayde?

Kuwento ni Ria sa panayam ng PUSH at ilang entertainment press sa naganap na red carpet premiere ng Sunshine Family, nanatili umano silang magkaibigan ni JM.

“Okay naman, we’re still friends,” aniya sa panayam.

Ayon pa kay Ria, “We’re still getting to know each other, friends talaga. I’m saying this all the time genuinely just friends.”

Paglilinaw ni Ria, wala pang ligawan na nagaganap sa kanila ngayon.

“Hindi pa din naman kasi dumarating sa ligawan or whatever, so far they were okay naman as a person, like my brother is friends with him, my mom works with him and my mama’s said nothing but good things about him,” aniya pa.

At kung aabot man daw sa next level ang kanilang pagtitinginan, nais din na makilala muna ni Ria si JM.

“No naman as long as there’s no connection talaga. I go beyond the physical it’s more like the mental, emotional connections spiritual as well, you know what I mean? You can’t be you don’t know completely, mas okay na kilala mo sila and I think right now we’re on that stage,” sabi pa niya.

Hindi din itinangi ni Ria na nagkakaroon na sila ng bonding moments together ni JM.

“We’re really friends, doon talaga nag-umpisa you know barkada, we started hanging out with everybody, until you know we started hanging out na kami nalang, so slowly but surely, I don’t know we’ll see,” paliwanag pa niya.

Sa ngayon, patuloy napapanuod si Ria sa iWant series na ManiLennials.