• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessa Zaragoza, hindi go kung liligawan ni Darren Espanto ang anak na si Jayda

Jessa Zaragoza, hindi go kung liligawan ni Darren Espanto ang anak na si Jayda

Jessa Zaragoza, naging honest sa pagsagot ng mga controversial questions sa TWBA.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/6/2019 11:26 AM
Jessa Zaragoza, hindi go kung liligawan ni Darren Espanto ang anak na si Jayda


Photo credit: @jayda on Instagram (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, game na sumabak si singer Jessa Zaragoza sa isang special tanungan segment kung saan ang isasagot niya ay “Jessa Zaragoza” kung hindi niya kaya ang isang bagay at “Zara- Go! Go! Go!- Za naman kung go siya o kayang-kaya niya ang isang bagay. 

READ: Jessa Zaragoza, inakalang hindi makakanta muli matapos ang throat operation

Kung skydiving daw ang pag-uusapan ay, “Jessa Zaragoza” si Jessa. “Zara- Go! Go! Go!- Za” naman si Jessa sa pag-pose sa isang sexy magazine.

“Jessa Zaragoza” rin si Jessa sa pagkain ng tipaklong, scorpion at tarantula at sa pagtulog sa kwarto na may mga daga.

Game naman kaya si Jessa kung makakasama niya sa isang dinner sina Rufa Mae Quinto at Rachel Alejandro? Sila ang mga showbiz names dating na-link sa kanyang mister na si Dingdong Avanzado. “Zara- Go! Go! Go!- Za” ang sagot ni Jessa. Pero nang tanungin ni host Boy Abunda kung ano kaya ang pag-uusapan ng tatlong babae sa kanilang dinner, ang sagot ni Jessa ay, “Sinabi ko bang kakausapin ko sila?”

Kaya naman daw hindi magsalita ni Jessa. Binawi rin naman ni Jessa ang sinabi at sinabing, “Joke lang. Matagal na yun.”

“Zara- Go! Go! Go!- Za” rin si Jessa kung mapipiling Darna ang anak na si Jayda Avazado at pagsusuotin ito ng sexy two-piece. 

Paano naman kaya kung liligawan ang unica hija niya ni Darren Espanto? Ayon kay Jessa, “Jessa. Kasi bata pa si Jayda.”

READ: Jayda Avanzado, nilinaw kung ano ang relasyon nila ni Darren Espanto