• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: K Brosas, excited na sa paglipat sa kanyang bagong bahay

EXCLUSIVE: K Brosas, excited na sa paglipat sa kanyang bagong bahay

Proud na ibinida rin ni K Brosas ang nagsisimulang music career ng kanyang unica hija na si Crystal Brosas.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/6/2019 3:18 PM
EXCLUSIVE: K Brosas, excited na sa paglipat sa kanyang bagong bahay


Photo credit: @kbrosas on Instagram (L)

May isang buwan na lang ang hinihintay at ganap nang lilipat sa kanyang bagong bahay ang komedyante at singer na si K Brosas. Sa interview ng PUSH sa Tawag Ng Tanghalan judge, sinabi niyang pinag-ipunan niya nang ilang taon ang pagpapagawa ng bahay.

"Six years in the making kasi six years ago ko pa binili yung lupa, [pero] last year ko lang pinatayuan. Kasi ayoko talagang mag-loan, so cash ito, talagang pinag-ipunan ko," kuwento ng singer na aminadong hindi naging madali ang pagpapatayo ng sariling bahay.

"Ngayon medyo na-delay ng konti kasi maraming [ginagawa]. Ganun pala magpatayo ng bahay," dagdag ni K. 

Maaaring sa July o August nakatakdang lumipat si K. 

Maaalalang noong September 2018 unang binahagi ni K sa kanyang Instagram ang pagpapatayo ng kanyang dream house na sa panahong iyon ay under construction pa. 

 

Samantala, sa parehong interview din ay ibinida ng komedyante ang pag-usbong ng music career ng kanyang anak na si Crystal Brosas. 

"Currently, nagrerecording siya sa bahay, gumagawa siya ng mga bagong songs. I'm so proud kasi talent - nasa kanya lahat. Mas talented siya sa akin actually," kuwento ni K sa PUSH. 

Walang Malay ang unang single ni Crystal na mapapakinggan ngayon sa Spotify.

"Yung boses niya hindi manufactured. Sabi ko sa kanya, you have to have your original sound. Saka range niya ganun lang, sweet lang yung boses, nothing fancy. Pero, most importantly, sarili niyang composition, it’s her own songs," dagdag ni K na sinabi rin kahit full support siya sa anak ay hands-off naman siya sa piniling genre nito.

Aabangan si K sa kaniyang first major concert sa Araneta Coliseum sa July 12. Ka-team-up ang kanyang matalik na kaibigan na si Angeline Quinto, pinamagatang Angeline K To ang kanilang concert na ayon sa kaniya ay mapupuno ng katatawanan at biritan.