• Home
  • Fresh Scoops
  • Andre Brouillette, nagbigay ng reaksyon sa love letter na isinulat noon ni Lou Yanong

Andre Brouillette, nagbigay ng reaksyon sa love letter na isinulat noon ni Lou Yanong

"When I was reading it, I could feel the emotion in everything she was saying," sabi ni Andre Brouillette sa love letter na isinulat ni Lou isang taon na ang nakalipas.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/6/2019 3:28 PM
Andre Brouillette, nagbigay ng reaksyon sa love letter na isinulat noon ni Lou Yanong


Photo credit: @louyanong on Instagram (L)

Binalikan ng Pinoy Big Brother OTSO batch 2 finalist na si Andre Brouillette ang love letter na di umano ay isinulat ni Lou Yanong isang taon na ang nakakalipas para sa future boyfriend nito. Ayon kay Andre, sana ay nakilala niya noon pa man si Lou, lalo na sa panahong may pinagdadaanan ito. 

"I wish I've known her when she was writing that letter. When I was reading, I could feel the emotion in everything she was saying. I know it was hard what she's been through.”

"[But] I'm glad that I read it, I'm glad I know about it, because she deserves something that's real," pahayag ni Andre sa episode ng PUSH Bets Live na umere nitong Miyerkules, June 5. 

READ: Lou and Andre’s flourishing love outside of the PBB house

READ: Lou Yanong finally meets Andre Brouillette’s family

Laman ng naturang love letter ang mensahe ni Lou para sa kaniyang magiging boyfriend (na ngayon ay si Andre) na isinulat niya sa kasagsagan ng kaniyang heartbreak. 

"Kasi kapag may nangyayaring masama or good stuff, I really usually just write it down, kasi 'yun yung parang outlet ko. And, I can always look back naman. Tapos yung times na 'yon, I was just super down - heartbreak, mini heartbreak. I thought it was love," paliwanag ni Lou. 

Pinost niya sa kanyang Instagram account ang love letter, ilang araw matapos nilang lumabas ng Bahay ni Kuya kasama ang ilang members ng Big Four. 

"March 3, 2018 - I wrote a letter for my future boyfriend haha  🌱Here ya go, @andrebrouillette. I love you more than I love the moon and the stars, Dowe 🐢🐢 It was worth it," ayon sa caption nito.

 

Samantala, sa parehong interview din ay ibinahagi ni Andre ang pagiging mas close pa sa pamilya ni Lou simula nang umalis sila sa PBB house.

"I love her family so much. Everybody in the family, especially when we meet or just going out and being with them, I feel so comfortable with them because they remind me so much about my family," kuwento ni Andre. 

Panoorin ang buong episode dito:

Kamakailan ay nilabas ang Pinoy Big Brother Ang Soundtrack Ng Bahay Mo album kung saan ay nagkaroon ng duet single sina Lou at Andre. Mapakikinggan ang kanilang kanta sa Spotify.