• Home
  • Fresh Scoops
  • UAAP 81 MVP Sisi Rondina wants fellow Cebuana Kim Chiu to portray her

UAAP 81 MVP Sisi Rondina wants fellow Cebuana Kim Chiu to portray her

UAAP 81 women’s volleyball MVP Sisi Rondina, gusto si Kim Chiu gumanap bilang siya sa MMK.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/5/2019 10:53 AM
UAAP 81 MVP Sisi Rondina wants fellow Cebuana Kim Chiu to portray her


Photo credit: @chinitaprincess IG

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni UAAP (University Athletic Association of the Philippines) Season 81 women’s volleyball tournament MVP Cherry Ann “Sisi” Rondina kung saan nanggaling ang nickname niya na “Sisi.”

Ani Sisi, mahilig siya noon kumain ng maliliit na talaba na tinatawag na “sisi” kung kaya tinawag siyang “Sisi girl” noong siya ay bata pa. 

Ayon pa sa University of Sto. Tomas Golden Tigresses captain, ang volleyball ay hindi lang sports at bola para sa kanya, kundi “buhay” niya raw ito. Paliwanag ni Sisi, “Naging tulay siya ng pamilya ko na makumpleto, makapagtapos yung kapatid ko sa pag-aaral, masaya ako sa volleyball and ang dami kong natutunan sa bolang ito…”  

May oras din daw noon na pinatigil siya ng pamilya niya sa paglalaro dahil sa “na-addict po ako sa volleyball.” Aminado rin si Sisi na lumaki ang ulo niya noon dahil sa kagustuhan niyang maglaro, pero tinulungan naman siya ng coach niya para baguhin iyon. 

“Dagdag inspirasyon” naman sa paglalaro ni Sisi ang kanyang kaklase at boyfriend of 19 months na si Don Alo. Ani Sisi tungkol sa pagmamahalan nila ni Don “puppy love pa lang talaga, parang enjoy lang muna. But we love each other naman po.”

Paano naman kaya nasungkit ni Don ang puso ni Sisi? Ani Sisi, “Mahilig po talaga ako sa palatawa, like sobrang joker niya.”

Isasabuhay ang kuwento ni Sisi sa Maalaala Mo Kaya at kung meron daw siyang gusto wag mawala sa kuwentong ipapalabas sa MMK ito ay ang, “kung paano ako natutong maging matatag dahil sa volleyball.”

Si Kim Chiu ang gusto niyang gumanap bilang Sisi kasi, “Cebuana rin po siya. Bisaya.”