• Home
  • Fresh Scoops
  • Sue Ramirez, napasabak sa kissing scene sa Korean actor na si Shinwoo

Sue Ramirez, napasabak sa kissing scene sa Korean actor na si Shinwoo

Nagpaalaam din muna si Sue Ramirez sa kanyang special someone bago ang kissing scene sa ‘Sunshine Family.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/5/2019 10:39 AM
Sue Ramirez, napasabak sa kissing scene sa Korean actor na si Shinwoo


Personal na bumisita sa Pilipinas ang Korean actor na si Shinwoo ng Blanc 7 para sa promotion ng pelikulang Sunshine Family kasama ang Kapamilya star na si Sue Ramirez.

Sa panayam ng PUSH kay Sue, ibinahagi niya ang kanyang naging working experience kasama ang Korean actor na kanyang leading man sa pelikula.

“He’s very mysterious. The first time I saw him was in the script reading and he wasn’t talking very much he was just sitting there and we are just throwing our lines but when got on the set it was very comfortable already,” kuwento ni Sue.

Sa kabila ng language barrier o pag kakaiba ng lenguwahe, masasabi ni Sue na naging magaan ang trabaho dahil sa kanilang naging bonding moments.

“He was very hopeful especially to me when we needed the help in Korean lines he was there for me,” patuloy na kuwento ng Kapamilya star.

At dahil leading man, naging biruan din sa panayam ang kissing scene experience niya kay Shinwoo na nagkaroon pa ng dalawang version.

“I actually don’t know what are they talking about I actually want to see for myself ‘yung movie kasi honestly we haven’t seen it yet,” saad ni Sue.

“Mag jowa kasi kami dito, he was my boyfriend and he’s a policeman, and it’s very hard for my character because my father committed a crime so I’m caught between that crime and my boyfriend is a policeman, so ano ang gagawin ko? It’s really hard for my character to really figure out what to do,” paliwanag pa ni Sue sa kanyang karakter.

Mapapanuod ang Sunshine Family simula June 5 sa mga sinehan sa Pilipinas kasama sina Nonie Buencamino, Shamain Buencamino at Marco Masa.