Robin Padilla, planong sumali sa Philippine Army reserve

Balak ni Robin Padilla na maging bahagi ng Philippine Army bilang reservist.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/5/2019 11:16 AM
Robin Padilla, planong sumali sa Philippine Army reserve


Photo credit: @robinhoodpadilla IG

Inanunsyo ni Robin Padilla ang kanyang balak na sumali sa Philippine Army bilang isang reservist na isa sa pagpapakita niya ng suporta sa plano ni President Rodrigo Duterte na maging mandatory muli ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa mga senior high school students.

“Mga kabataang Pilipino, sasamahan ko kayo mula umpisa hanggang sa huli. Papasok ako sa Philippine Army Reserve para sa inyo upang masundan ko ang bawat ninyong hakbang tungo sa kabayanihan,” ani aktor.

“Hindi tayo iiwan ng AFP at ni Mayor PRRD mga mahal na kabataan kaya't tayo'y tumindig at bumangon ng nakataas ang dibdib at nakataas ang mga noo para sa Dios! Para sa Inangbayan! Para sa kapwa Pilipino,” dagdag pa niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mga kabataang Pilipino Sasamahan ko kayo mula umpisa hanggang sa huli. Papasok ako sa Philippine Army Reserve para sa inyo upang masundan ko ang bawat ninyong hakbang tungo sa kabayanihan. San man tayo makarating hindi ko kayo pababayaan! Tayoy huhubugin ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas! sabi nga ni Lt. Colonel Hal Moore i will always be the first one on the battle field, and i will be the last one to step foot off the battlefield. not only will i be the last one off, i will not leave any of my soldiers behind. Hindi tayo iiwan ng AFP at ni Mayor PRRD mga mahal na kabataan kayat tayoy tumindig at bumangon ng nakataas ang dibdib at nakataas ang mga Noo Para sa Dios! Para sa Inangbayan! Para sa Kapwa Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang kagitingan ng ating Lahi! Mabuhay ang Katipunan!

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

 

Layunin ng Presidente na maging mandatory muli ang ROTC upang maging handa ang mga kabataang Filipino kung sakaling dumating ang panahon kung saan kailangan ipaglaban ang bansa.

Taong 2002 nang ipatupad ang batas na optional na lamang ang pagsali ng ROTC matapos pumutok ang balitang pagkamatay ni Mark Chua, isang estudyante sa University of Santo Tomas na di umano’y napaslang matapos ibunyag ang hindi paggamit ng kanilang pondo sa tama.