• Home
  • Fresh Scoops
  • K Brosas at Angeline Quinto, pangako ang all-out tawanan at biritan sa kanilang concert

K Brosas at Angeline Quinto, pangako ang all-out tawanan at biritan sa kanilang concert

"Umpisa pa lang pasabog na," excited na pahayag ni K Brosas para sa pinakaunang concert team up nila ni Angeline Quinto na gaganapin sa Araneta Coliseum.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/5/2019 4:25 PM
K Brosas at Angeline Quinto, pangako ang all-out tawanan at biritan sa kanilang concert


Nagsimula ng maghanda para sa pinakaunang pagsasama sa isang concert ang dalawang Kapamilya singers na sina K Brosas at Angeline Quinto. Sa press conference na naganap kahapon para sa Angeline K To! Concert, excited na ibinahagi ng dalawa ang aabangan sa kanila. 

READ: Angeline Quinto at K Brosas, magsasama sa isang concert

"Hindi kami diva dito, fun fun show na may puso... Walang patalbugan [na] magaganap dito, pinag-usapan namin na dapat maging pantay lahat, ultimo outfit. 

"Umpisa pa lang pasabog na," pahayag ni K sa press na sinabing pipilitin nilang maging bukas ang show nila para sa lahat ng edad.

"Nung nalaman kong makakasama ko ang isang Angeline Quinto, sinabi ko na kailangan makita ng tao kung paano ko siya kilala ngayon, yung lokaret, yung jologs, yung maharot, yung nakakatawa. Kaya yun yung mga highlights natin," dagdag ni K.

 

 

Kuwento naman ni Angeline, "Si Ate K kasi, parang si Ate Vice, na kapag off-cam yung walang hiyaan talaga sa pakikipag-usap pero at the same time, may matutunan ka. So bakit hindi namin gawing isang show, since pareho naman kaming kumakanta? Nakakatawa si Ate K, ako naman po kahit papano kaya ko rin makipagsabayan."

Dagdag ni Angge, nagsimula raw ang konsepto ng kanilang concert noong nag-guest siya sa 18th anniversary concert ni K Brosas noong nakaraang taon. "Ang gusto kasi talaga ng mga tao ngayon, bukod sa mga pagkanta, gustong gusto ng mga Pinoy ay yung masaya lang," ani Angeline.

Para naman sa concert director na si John Prats, isang challenge kay K Brosas ang makipagsabayan sa kantahan kay Angeline, habang si Angeline naman ay makikipagsabayan sa pagpapatawa kay K. "Kami alam namin na nakakatawa [si Angeline] pero hindi pa yun alam ng mga karamihan, at makikipagsabayan si Angeline kay Miss K, when it comes to that aspect," paliwanag ni John. 

 

 

Bukod kina Empoy, Erik Santos, at Ogie Alcasid, may sorpresang guest ang dalawa sa kanilang concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa July 12.