Gary Valenciano, may bagong adbokasiya

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/5/2019 10:29 AM
Gary Valenciano, may bagong adbokasiya


Photo credit: @garyvalenciano IG

Bagong advocacy ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang mentoring sa mga promising na Pinoy dancers.

Isa si Gary sa mga makakasama sa International Dance Festival sa Pilipinas sa Evolt dance fest sa darating na June 8.

 

 

Sa tulong ng Studio ni Pipay Production ni Lady Pipay na isang Social media sensation, kasama si Gary at iba pang Kapamilya performer ang magbibigay break sa mga aspiring dancers.

“Those who know na meron silang talent pero wala silang avenue to express, this now with the workshops at least mayroon silang makikilalang iba ibang grupo” sabi ni Gary.

At kahit na marami ng mga usong dance technique, ayon kay Gary hindi mawawala ang paglalagay ng puso at passion ng mga kabataang Pilipino sa pagsasayaw.

“It doesnt matter if it’s old school or new school eh ang mahalaga may tugtog at tama yung galaw mo at makikita mo talaga ang mga nanonood na mag e enjoy din sila,” pahayag pa ni Gary.

Kasama ni Gary sina Lady Pipay, Regine Tolentino, AC Bonifacio, at Darren Espanto sa pinakamalaking Dance Festival sa Circuit Makati ngayong June 8.