• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Zaijian Jaranilla, bukas sa pagtanggap ng gay roles

EXCLUSIVE: Zaijian Jaranilla, bukas sa pagtanggap ng gay roles

Para sa aktor na si Zaijian Jaranilla, hindi isyu kung tutuksuhin siyang bakla sa totoong buhay dahil sa pagganap niya sa isang role.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/5/2019 10:36 AM
EXCLUSIVE: Zaijian Jaranilla, bukas sa pagtanggap ng gay roles


Photo credit: @zaigj on Instagram

Inuturing ng award-winning child actor na si Zaijian Jaranilla na 'dream role' niya ang gumanap bilang bakla sa isang proyekto. Ayon sa aktor, bumilib siya sa pagganap nina Paolo Ballesteros at Christian Bables bilang mga trans beauty queens sa pelikulang Die Beautiful.

"Dun ko sila unang napanuod, sabi ko, 'Ang galing nilang [gumanap] na bakla,' parang unang tingin mo palang, bakla talaga," pahayag ni Zaijian sa interview ng PUSH.

"Gusto ko yung ideya na iba yung tingin sa ‘yo ng tao kapag nasa harap ka na ng camera," sabi ni Zaijian na sumang-ayong hindi lahat ng lalaking aktor sa industriya ngayon ay kumportable sa gay roles.

Dagdag ng 17-year old actor, hindi isyu sa kanya kung sakaling tutuksuhin ang kanyang kasarian dahil sa pagtanggap niya ng mga nasabing roles.

"Kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ka naman ganun, na straight ka, tapos nakita ng ibang tao na tumatak yung pagganap mo, [ibig sabihin] successful yung pagganap mo bilang bakla," paliwanag ni Zaijian.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#abscbnball2018 #TatakStarMagic 👔: @budi_mallari HMUA: @quinaliyaah , @artistasalonofficial

A post shared by Zai God Jar (@zaigj) on

 

Maaalalang nakatanggap ng papuri ang aktor matapos gumanap bilang isang bakla sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong nakaraang taon.

Sa ngayon, muling sasabak sa panibagong episode ng drama anthology show, kung saan ay gaganap bilang isang may pasyenteng na may cerebral palsy.

"Yung dito po kasi sa MMK, iba yung case niya. May sakit po [siya]... may kinuha silang consultant na tinuturo niya sa akin yung pwesto ng kamay ng paa, yung leeg. Kasi buong katawan po yung naaapektuhan sa kanya kaya buong katawan [din] ang papaganahin," kuwento ng aktor.

Sa naturang MMK episode na ipapalabas ngayong Sabado, ay makakasama rin ni Zaijian sa unang pagkakataon si Enchong Dee, na gaganap bilang kuya niya.

Bukod sa MMK, aabangan si Zaijian sa paparating na iWant digital series na ipapalabas ngayong taon.