• Home
  • Fresh Scoops
  • Anton Diva, gustong maalaala bilang kauna-unahang beking biritera

Anton Diva, gustong maalaala bilang kauna-unahang beking biritera

Hindi ine-expect ni Anton Diva na magkakaroon siya ng concert sa Araneta.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/5/2019 10:14 AM
Anton Diva, gustong maalaala bilang kauna-unahang beking biritera


Photo credit: @antondiva IG

Simple lang ang gustong iwanang tatak ni Anton Diva sa mga tao kapag dumating ang panahon na hindi na siya active bilang singer at performer.

“Gusto ko lang na maalala nila na si Anton Diva ay isang beki na unang nakilalang biritera.Twenty two years ago, hindi naman lahat nagagawa ang kaya kong gawin.

“Yung kilalanin lang ako na nag-inspire sa ibang beki na kaya pala nating magtrabaho, kaya pala nating maging productive. Huwag nating itago yung talent as long as may nakikinig at nakaka- appreciate nito, tuloy mo lang,” sambit ng Regine Velasquez voice-alike na magkakaroong ng first major concert sa Cuneta Astrodome titled Shine XXII AD: Anton Diva on June 15.

Ayon kay Anton, hindi na niya ini-expect na darating ang panahon na magko-concert siya sa isang malaking venue at magiging guest pa niya sina Regine Velasque at Vice Ganda.

“Actually, hindi ko talaga ini-expect kasi parang ang late na. Pero nangyari, eh, mangyayari pala talaga,” bulalas ng singer.

Patuloy ni Anton, “Nagpapasalamat ako na dumating kahit papaano. Wala naman sigurong performer ang tatanggi sa ganitong opportunity, di ba?

“So, I’m really thankful and I relly feel blessed kasi God has given me these people na maniniwala sa akin, sa kaya kong gawin, sa talent na meron ako, kaya hindi ko man ini-expect na mangyayari siya at ngayong mangyayari na talaga, eh, kalangang gawin ko yung makakaya ko para naman hindi sila ma-disappoint sa pinuhunan nilang oras at pera.”

Tinanong ba niya ang sarili noon bakit hindi siya nabibigyan ng mas malalaking break para ipakita ang galing niya bilang singer?

“Natanong ko rin yun dati sa sarili ko. ‘Hindi ba nila ako gusto? Wala ba silang nakikita sa akin? Hindi ba ako kakaiba?’ Parang ganun, eh. Pero dati yon,” pag-amin niya.

“Eh, ngayon kasi iba na. Iba ang power ng social media. May mga sumisikat overnight. Ako kasi, medyo kulang ako sa social media, hindi ako pala-post sa Instagram ko. Eh, importante pala yon kasi as a performer kailangan akong maging active sa ganyag platform. Kaya ngayon, kailangan kong mag-effort na magpost-post,” dagdag niyang pahayag.

Shine XXII AD: Anton Diva is produced by Teri Onor (Teri Onor Entertainment Services or TOES) and directed by Peter Flores Serrano