• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto, nagsalita tungkol sa pagkawala niya sa ASAP Natin ‘To

Angeline Quinto, nagsalita tungkol sa pagkawala niya sa ASAP Natin ‘To

Ipinagtanggol ni Angeline Quinto ang idolong si Regine Velasquez mula sa mga nagsasabing ito ang dahilan kung bakit may mga natanggal na artists sa bagong format ng ASAP.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/5/2019 4:07 PM
Angeline Quinto, nagsalita tungkol sa pagkawala niya sa ASAP Natin ‘To


Aminado ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto sa naramdamang lungkot dahil sa pagkawala sa pagiging regular performer sa bagong format ng musical variety show na ASAP Natin 'To. Bilang walong taon na siyang regular na nagpeperform sa ASAP, naging mahirap para kay Angeline sa una ang hindi mapasama sa mga performances sa naturang show.

"'Yun yung talagang nalungkot na po ako, na parang halos everyday akong umiiyak noon. Kasi almost three months po ata akong hindi nakapag-ASAP e."

"Pero naintindihan ko naman po after ipaliwanag sa akin ng management so, naintindihan ko na po lahat. Ngayon, kahit papano, unti-unti na po akong nakakabalik sa ASAP," pahayag ni Angeline sa interview ng press kahapon para sa paparating niyang concert. 

Dagdag ng singer, hindi rin dapat isisi kay Regine Velasquez ang pagkawala ng ilan pang mga dating regular artists sa ASAP.

"Sana wag naman nating isisi kay Miss Reg, kasi kung makikilala niyo si Miss Reg talaga, alam kong hindi dahil sa kanya. 

"Marami lang talagang gustong subukan [ang ASAP]. Kasi siyempre di ba, from ASAP, nagpalit ng ASAP Natin 'To, so mag-iiba rin talaga yung mga production numbers na gusto nila every Sunday. Pero hindi dahil kay Miss Reg, ako, hindi ako naniniwala. Hindi ako nag-iisip ng ganon," paliwanag pa ng Angeline.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

❤️

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

READ: Zsa Zsa Padilla, tinanggal ba sa ASAP Natin To?

READ: TNT Boys, magiging regular na sa ASAP

Noong November 2018, naging ganap ang pagbabago sa naturang variety show ng Kapamilya network. Kasabay nito ang paglabas din ng bagong online show na I Want ASAP, na mapapanood sa iWant app sa parehong timeslot. 

READ: Angeline Quinto at K Brosas, magsasama sa isang concert

Sa ngayon, naghahanda para sa paparating niyang concert si Angeline Quinto na Angeline K 'To Concert kung saan ay makakasama niya ang kaibigan na si K Brosas. Magiging guests din nila sa concert sina Erik Santos, Empoy, at Ogie Alcasid. 

Sa July 12 magaganap ang concert ni Angeline sa Araneta Coliseum.