TNT Boys, papasok muli sa isang home school program

TNT Boys weigh in on the advantages and disadvantages of being home- schooled.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/4/2019 1:08 PM
TNT Boys, papasok muli sa isang home school program


Sa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, papasok diumano sa pangalawang pagkakataon ang TNT Boys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez sa home school program ng isang private catholic school sa Quezon City. 

LOOK: TNT Boys finishes school year with flying colors

Aminado ang TNT Boys na dahil sa home-schooled sila ay may mga name-miss sila sa isang regular school. Kwento ni Mackie, “Grade six, natapos po ako sa grade school. Dun din po nag-boom yung pangalan namin, so di ko po na-experience yung High School po na lalabas pa po ng cafeteria po…” 

Kasabay din daw nito ang pagkalungkot paminsan-minsan. Ani Francis, “Minsan po talaga yung malungkot po. Kasi wala po kayong kausap, yung chikahan ganyan.”

Ganunpaman, ang advantage daw ng home-schooling ay yung “maabutan” nila ang mga lessons. Paliwanag ni Kiefer, “Maabutan po namin lahat ng lessons po. Di po katulad ng regular school, ‘pag absent ka po talagang di mo maabutan lahat ng lessons.”  

Kasabay ng pag-pursue ng edukasyon ng TNT Boys ang kanilang mga pangarap. Pangarap ni Francis na maging doktor. Si Mackie naman ay, “Yung gumagawa po ng mga movies po, acting po and nagda-dance din po,” habang si Kiefer naman ay gustong maging, “civil engineer.”