• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: It’s Showtime hosts, nakausap si Willie Revillame via live phone patch

PANOORIN: It’s Showtime hosts, nakausap si Willie Revillame via live phone patch

“Paalala ko lang, dati kong time slot ‘yan, kinuha niyo!,” ang pabirong pahayag ng TV host na si Willie Revillame habang siya ay on air sa noontime show na “It’s Showtime” sa unang pagkakataon nitong Lunes.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/4/2019 3:36 PM
PANOORIN: It’s Showtime hosts, nakausap si Willie Revillame via live phone patch


Photo credit: phildigest.jp (R)

“Paalala ko lang, dati kong time slot ‘yan, kinuha niyo!”

Ito ang pabirong pahayag ng TV host na si Willie Revillame habang siya ay on air sa noontime show na It’s Showtime sa unang pagkakataon nitong Lunes.

Ito ay matapos na muntik mabanggit ng isang contestant ang pangalan ng kanyang variety show habang ini-interview nina Vice Ganda at Mariel Rodriguez sa segment na “Tawag Ng Tanghalan”. Agad naman itong sinundan ng hiyaw mula sa audience at mismong hosts.

“Alam mo bakit nasabi niya ‘yun?,” ani co-host nilang si Vhong Navarro. “Nakita niya si Mariel.”

Matatandaang si Mariel ay dating co-host ni Willie sa dating palabas na Wowowee sa kaparehas na time slot mula 2005 hanggang 2010.

Sa pamamagitan ni Ogie Alcasid na regular judge sa nasabing segment, nakausap at nakabiruan ng hosts si Willie via phone patch habang live sa It’s Showtime.

“Pwede ba akong mag-guest judge diyan? Baka matanggal na naman ako,” pabirong sabi ulit ni Willie.

“’Wag kang mag-alala. Bago ka magtanggal, kami muna,” sagot naman ni Vice.

Ngunit hindi natapos ang kanilang usapan sa biruan, dahil nangako ang comedy icon na pagbibigyan ang nasabing contestant na si Clyde Borongan sa kanyang hiling na camera drone bilang regalo sa kanyang anak.