• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal on Loisa Andalio: ‘Na-realize namin yung pagiging childish namin before’

Maris Racal on Loisa Andalio: ‘Na-realize namin yung pagiging childish namin before’

Maris Racal, kinuwento ang pagkakaayos nina Sue Ramirez at Loisa Andalio, pati na rin nila ni Loisa.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

6/4/2019 1:01 PM
Maris Racal on Loisa Andalio: ‘Na-realize namin yung pagiging childish namin before’


Photo credit: @iamandalioloisa on Instagram (L)

Sa Tonight with Boy Abunda, puro good news ang bitbit ni Maris Racal dahil sa ibinalita niya ang pagkakaayos ng mga kaibigan niyang sina Sue Ramirez at Loisa Andalio. Kasabay nito, ang pagkakaayos naman nila ni Loisa. 

Nang tanungin ni host Boy Abunda kung si Maris ang naging tulay sa pagkakaayos nina Sue at Loisa, sinabi ni Maris na, “Naging initiative po nilang dalawa yun, Tito Boy. Sila talagang dalawa ang nag-resolve ng problema nila.”

Paano naman kaya nangyari ang pagbabati nina Loisa at Sue? Ani Maris, “Siguro over time… I mean naging okay muna sila like personally okay na, and then nag-usap sila, which is very natuwa ako nung sinabi sa akin ni Sue.” 

Hindi diumano “pinilit” ang mga pangyayari ayon kay Sue, katulad din ng pagkakaayos nina Maris at Loisa. 

READ: Maris Racal on Loisa Andalio: ‘Yes, nagkaroon po ng away’

Kuwento naman ni Maris tungkol dito ay nag-usap muna sila ni Loisa sa text. “Nag-usap kami personally. Una sa text muna,” sabi ng singer. 

Matapos daw nito ay nagkita sila ni Loisa sa isang photo shoot para sa similar endorsement. “Nagkita kami and then nag-usap, parang naging okay na lang. Over time, nagkapansinan na talaga and then nangyari yan. Parang okay na talaga,” kwento ni Maris. 

READ: Loisa Andalio on Maris Racal: ‘Mas hindi namin pina-awkward yung sitwasyon’

Pagtatapos pa ni Maris tungkol sa dating tampuhan nila ni Loisa, “Na-realize namin yung pagiging childish namin before. And then now mas mature na, mas okay na talaga.”